63

443 25 3
                                    

Jihoon's POV

Ngayon ko na mamimeet ang parents ni Serene. Gosh kinakabahan akez. Nakakaloka naman. Bakit ba kasi ako pumayag dito. Sabagay, soon to be in laws ko na din naman sila. Umayos ka nga jihoon, gay ka okay gay. Ay mali guy pala dapat ako ngayon. Gosh naloloka na talaga ako. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Hoy tagal tagal mong nakatayo diyan anong ineemote mo?" Sabi ni Serene sa akin. Minsan talaga masarap pa din sabunutan tong bilat na to eh.

"Kinakabahan kasi ako. Kaloka ka naman kasi gosh." Sabi ko naman sa kanya.

"Mukha kang timang. Umayos ka nga." Sabi niya sa akin.

"Pano magulang mo naman yan." Sabi ko sa kanya.

"Tara pumasok ka na, naghihintay sila mommy." Sabi niya at hinila na ako papasok.

Pagpasok ko ay nakita ko ang malawak na bahay nila. Ay hindi ata to bahay mansyon ata to. Halos kasing laki din ng bahay namin kaso castle kasi ang tawag ko sa bahay namin. Lamniyona Princess kasi ako. Pagpasok ko ay may magasawang mukhang medyo hindi welcoming ang aura. Gosh lalo akong kinabahan.

"Good evening po Mr. And Mrs. Choi." Bati ko sa kanila kahit kabang kaba na ako.

"Good evening din hijo." Bati naman sa akin ng mommy ni Serene at ngumiti ito. Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil mukhang mabait naman pala ang mommy niya. Kaso paglingon ko sa daddy niya ay kinabahan ulit ako.

"Daddy, Mommy, si Jihoon po boyfriend ko." Sabi ni Serene sa kanila.

"Seryoso ka ba sa anak ko?" Tanong sa akin ng Daddy niya.

"Opo. Seryosong seryoso po." Sagot ko sa daddy niya.

"Okay, nice meeting you. Wag kang kabahan. Besides you can call us tito and tita." Sabi ng daddy niya sa akin at nakahinga na ako ng maluwag. Kanina pa pigil na pigil yung hinga ko eh.

"Tara kumain na tayo. Nagluto ako para sa unang boy friend ng anak namin." Sabi ng mommy niya na mukhang napakabait naman. First boy friend pala ako ni Serene kahit na nagpapanggap lang kami.

"Salamat po." Sagot ko ng magalang. Pumunta na kami sa dining roon nila at parang fiesta sa dami ng pagkain. Pano na ako magdadiet gosh wala na nga akong abs, malaki pa ang tyanena ko? Nagumpisa na kaming kumain, masarap palang magluto ang mommy ni serene, siya kaya?

"Kumusta?" Tanong ng mommy niya sa akin.

"Ang sarap niyo pong magluto." Compliment ko sa pagkain na niluto nito.

"Salamat naman at nagustuhan mo, sa totoo lang yung iba diyan si serene ang nagluto." Sabi sa akin ng mommy niya. Lumingon naman ako kay serene na katabi ko.

"Masarap ka palang magluto baby." Sabi ko sa kanya.

"Thank you baby. Sige kain ka pa." Sabi niya sa akin ng nakangiti.

"Gaano na kayo katagal magkakilala?" Tanong ng daddy niya sa amin.

"Matagal tagal na din po. Schoolmates po kasi kami tapos kaibigan ko din po si daehwi." Paliwanag ko sa daddy niya.

"Oo nga pala yung best friend mo. Ang tagal ng hindi pumupunta nun dito." Sabi ng mommy ni Serene sa kanya.

"Busy po yun eh, madalang ko na din po makasabay." Sagot naman ni Serene sa mommy niya.

"Kelan mo naman nagustuhan ang anak ko?" Tanong ng daddy niya sa akin.

"Narealize ko po na gusto ko siya, simula po nung pinakilala siya sa amin ni daehwi at isinama sa lakad ng barkada." Sagot ko naman.

"Eh kelan naman naging kayo?" Tanong ng mommy ni serene sa kanya.

"Bago lang po magpasukan." Sagot naman ni Serene.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Buti naman mabait ang mudrakels at pudrakels ni serene. Hindi pala talaga dapat nagjajudge ng book by its cover. Mukhang natuwa naman sa akin ang parents niya.

Gayhoon|Park JihoonWhere stories live. Discover now