54

454 25 4
                                    

Jihoon's POV

Ang ganda ng buhok ng bilat na to. Brown na straight at shiny. Inggit ako. Sana ganito din kahaba ang hair ko. Kaya inggit din ako kay Moonbok hyung eh.

"Bakit baby?" Sagot niya sa akin habang hinawakan niya naman ang mukha ko. Kadiri pero ang lambot ng kamay niya.

"Ang ganda mo baby." Sabi ko sa kanya kahit masuka suka na ako sa sinasabi ko. Yuck mas maganda ako sa kanya.

"Thank you baby. Ang gwapo mo talaga." Sabi niya naman sa akin na muntik kong ikasuka. Yuck maganda ako hindi pogi. Eww. Eww. Eww.

"Baby namiss kita." Sabi ko ulit sa kanya at bahagyang hinila ang buhok niya na hawak ko.

"Namiss din kita baby. Ang cute mo talaga." Sabi niya at kinurot ng madiin ang pisngi ko. Napangiwi naman ako sa sakit. Pinandilatan ko siya at ngumiti ako ng pilit. Ganun din ang ginawa niya. Kairita talaga tong bilat na to. Pag nagkasugat ang skin ko siya papagbayarin ko sa derma.

"Baby, masarap to try mo." Sabi ko saba subo sa kanya ng isang buong cocktail na hotdog.

"Oo nga baby masarap nga." Sagot niya kahit namumuhalan na siya.

"Eto din baby try mo oh." Sabi niya naman sa akin at inumang sa bibig ko ang kutsarang punong puno ng fried rice. Nung hindi ako ngumanga agad ay pinandilatan niya ako ng mata kaya binuka ko na ang bibig ko.

"Masharap siya baby." Sabi ko naman na punong puno ang bibig. Nagpatuloy ang ganoong eksena. Nginitian niya ako ng pilit at ganun din ako sa kanya. Unti unting naglalapit ang mukha namin dahil sa sobrang inis sa isa't isa.

"Oops oops oops bawal yan." Biglang sabi ni Jonghyun hyung kaya napalayo kami sa isa't isa.

"Kayo ah hindi kayo nagkukwento." Sabi ni Daniel hyung at tinapik kaming dalawa ni Serene sa balikat.

"Wala kaming kamalay malay." Sabi ni Wontak hyung at nakiupo sila sa table namin.

"Akala mo lang wala pero meron meron meron." Sabi ni Jisung hyung na nagpatawa saming lahat.

"Ate V ikaw ba yan?" Sabi ni Dongbin.

"Hindi kuya V siguro, member ng bts." Pambabara ni Jisung.

"Corny. Pwee. Uwee." Sabi naman ni Hyeongseob.

"Alam mo nakakarami ka na ha." Sabi ni Jisung hyung kay Hyeongseob. Akmang babatukan niya ito ng humarang si Dongho hyung.

"Tigilan niyo na yan." Pagsaway niya. Dali dali namang naghiwalay ang dalawa at nagbehave. Sa laki ba naman ng katawan ni Hyung, di ka ba matatakot.

"Kwento naman diyan." Sabi ni Sungwon hyung.

"Gano katagal na kayo?" Tanong ni Taehyun hyung.

"Bago pa lang kami hyung." Sagot ko sa kanya.

"Good choice." Bati ni Sewoon sa akin.

"SERENE!" Sabay sabay na sabi nila Samuel, Justin at Euiwoong. Kasunod naman nila si Guanlin. Ah ang mga broken hearted pala.

"Binilihan ka namin ng chocolates. Diba paborito mo to?" Sabi ni Samuel.

"Thank you sammy." Sabi niya kay Sammy bby ko.

Nagpatuloy ang kwentuhan mg naramdaman ko na may sumisipa sa paa ko.

"Sino ba yun?!" Iritang sabi ko. First day na first day dudumi uniform at sapatos ko. Sinipa ko din ang sumipa sa akin.

"Ouch!" Sabi ni Serene ng tumama sa kanya ang paa ko.

"Serene bakit?" Sabi nila kay Serene na parang nag aaalala.

"Wala may napakalaking langgam na kumagat sa akin." Sagot nito na halatang naiinis. Madami pang pinagkwentuhan ang barkada ng napansin ko na parang namumutla siya. Di ko na sana papansinin dahil baka guni guni ko lang yun.

"Serene okay ka lang?" Sabi ni Euiwoong.

"Okay lang ako." Sagot niya na parang hindi naman siya okay.

"You don't look okay." Sabi ni Guanlin. At pinilit niyang ngumiti kahit lukot na lukot na ang mukha niya.

"Dadalin ka na namin sa clinic." Sabi ni Justin.

"Buti pa kayo." Sabi niya at huminto. Anong ibig niyang sabihin.

Gayhoon|Park JihoonWhere stories live. Discover now