41

428 26 0
                                    

Serene's POV

Bumaba na ako para makausap sila mommy at daddy. Syempre madalang sila sa bahay at puro trabaho ang inaasikaso nila kaya minsan ko lang silang makasama.

"Mommy! Daddy!" Sabi ko at tumatakbo akong sumalubong sa kanila.

"Ang baby namin baby damulag na." Sabi ni Daddy at niyakap ako.

"Daddy naman parang last week lang tayong nagkita eh." Sabi ko naman sa kanya.

"Big girl na yan daddy, lagi mong binebaby pag yan naging spoiled." Sabi naman ni Mommy.

"Hindi yan." Sabi naman ni Daddy.

"Ma, Da ano nga po pala yung sasabihin niyo?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa at parang nagtuturuan kung sino ang magsasabi.

"Anak, patawarin mo si daddy." Pag uumpisa ni daddy.

"Bakit po?" Tanong ko naman.

"Pagkatapos mong magtapos ng college iaarrange marriage ka namin." Sabi ni Daddy sa akin. Teka arrange marriage?

"Daddy ayoko nun." Sagot ko sa kanya.

"Pasensya ka na anak, gusto lang namin tulungan yung kaibigan namin na babagsak na yung kompanya kaya kailangan ka naming ipakasal." Sabi ni Mommy sakin.

"Pero ayoko ma, pano na lang kung may mahal na ako, hindi kami pwede?" Sabi ko sa kanya.

"Sa ngayon anak pwede naman pero kung sa tingin namin mahal niyo talaga ang isa't isa hindi na namin itutuloy ang arrange marriage." Paliwanag sa akin ni Daddy.

Gayhoon|Park JihoonOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz