33

464 28 22
                                    

Serene's POV

Nabored ako sa bahay kaya nagikot ikot muna ako. Di ko naman talaga inaya si Jinyoung, inaasar ko lang si Daehwi. Gusto ko sanang pumunta sa school, titingnan ko kung may sections na kaso ang layo nun mula dito samin. Mga dalawang sakay pa.

"Ang init naman!" Sabi ko habang naglalakad. Nakakita ako ng tindahan kaya naisipan kong bumili muna.

"Ate, soft drinks nga po." Sabi ko sa tindera.

"Mga bakla! Nuod tayo mamaya!" Narinig kong sabi ng isang bading na bibili din ata

"Baka kasi makilala ako ni Pudra kaya hindi ako sumali eh." Sabi naman nung isa.

"Eto oh." Inabot na sa akin ng tindera ang binibili ko at nagbayad na din ako.

"Mga ate ano pong meron mamaya?" Tanong ko sa mga bading.

"Ay ate daw tayo. Bongga!" Narinig kong sabi ng isa.

"May gay beaucon kasi mamaya." Paliwanag ng isa.

"Anong oras po?" Tanong ko ulit.

"Mamayang gabi pa yun eh. Mga 7 or 8 siguro." Sabi naman nung isa.

"Salamat po!" Sabi ko at umalis na.

Umuwi muna ako. Mamaya na lang ulit ako lalabas pag magstart na yung pageant. Nagpaalam ako sa kasambahay namin na manunuod muna ako.

"Candidate number 1!" Kumanta siya ng waka waka.

"Cause this is Africa! Good evening everyone my name is Lee Daeana! At naniniwala ako sa kasabihang, Sa hinaba haba ng prusisyon, musiko pa din ang dulo non! Thank you!" Sabi ng contestant number 1. Africa pala ang country niya. Teka parang familiar siya.

"Contestant number 5." Sabi ng host.

"Nihao ma! Nihao na manok! Nihao na baboy! Kahit anong nihao man yan isa lang ang masasabi ko, lahat sila ay PaCHINA(patay na)! Good evening ladies and gentlemen, gays and lesbians, my name is Hong Eunji! At naniniwala ako sa kasabihang, Hindi man ako kasing ganda ng nanay niyo, malamang mas maganda naman ako sa tatay niyo! Thank you!" Sabi niya at nag flying kiss. Familiar din ang isang to.

"Contestant number 9." Pagtawag ng host.

"77, 78, 79, HEITI! Magandang gabi s inyong lahat, my name is Park Jihyun. At naniniwala ako sa kasabihang, Maganda man ako sa inyong paningin, chaka naman ang susunod sa akin." Sabi niya at nag wink. Teka wink? Si Jihoon? At yung kanina si daehwi at eunki?

Gayhoon|Park JihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon