1

14 0 0
                                    


Bakit patuloy ko pa din;
Patuloy ko pa ding hinahanap-hanap,
Hinahanap ang iyong mga salita.
Nakakapagtaka
Asan na nga ba ang iyong mga binitawang salita
Napapangiti na lang ako bigla
Tuwing ang ating ala-ala
Ay aking binabalik-balikan;
Bakit ka pa nga ba dapat balikan
Ano bang meron sayo na hindi ko makalimutan
Meron ka bang wala sa ibang tao
Ang gulo ko lang kasi pag dating sayo
Hanggang kelan ba ito
Kelan ko pa ba panghahawakan,
Panghahawakan ang aking nararamdaman
Iyong mga salita,
Yung tipong,bawat bigkas mo nito;
Sinisiguradong mong ako'y maniniwala sayo
"sayo lang ako"sabay ngiti mo,
Mga ngiti mong puno ng sala
Pangakong mong napapako
Mapapaniwalan pa ba ito
Asan na nga ba ang iyong mga salita
Nawala na lang bigla.
Tinangay ba ito ng hangin
O baka kinain mo bigla;
Kaya nawala na parang bula.
Naisin ko man
Na sana ikaw ay akin,
Ngunit hindi na pala ito pwede
Nagising na lang ako sa katotohanan
Katotohanan na matagal mo na
Palang tinapos
Ang ating pinagsamahan
Pero ako ay patuloy pa rin
Patuloy ka pa ding mahahalin.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon