30

2 0 0
                                    


Alalang-alala ko pa
nung niyakap kita
sa gabing iyon
nagbabasakaling sa pagyakap ko;
maramdaman mo ang presensya ng pagmamahal ko sayo
"pagod na ako"
di mo man lang ako tinanong kung ako
din ba'y napapagod na
di mo man lang ako tinanong kung  okay lang ba
sa akin na tigilan ang binuo nating "tayo"

Inalis mo ang "ikaw" sa katagang ikaw at ako
at iniwan mo ang "ako"
ano?
ang guloㅡ
mali,
hindi pala magulo
baka di ko tinanggap ang ginawa mo.

Sa gabing iyon,
bumuhos ang ulan
kasabay ng iyong pag-iwan
sa aking kinatatayuan
tama nga
dapat nung una ay binitawan
na kita
kung sa huli ay wala naman
palang hahangtungan
ang mga salita mong
balot ng kasinungalingan.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon