3

8 0 0
                                    


Tumulo ang aking luha;
Nung ikaw ay nagpaalam na
Ikaw ay tumalikod bigla,
Ayokong tignan ka.
Tignang lumalakad papalayo sa aking
kinatatayuan,
Papalayo sa ating pagmamahalan;
Tumakbo ako papalayo,
Papalayo sa iyong laro.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta,
Saang direksyon ba ang tama
Upang ikaw ay tuluyang mawala.
Pinikit ko ang aking mga mata,
Sana pala hindi na kita nakilala.
Pangako mong ako lang ang mag papasaya;
Magpapasaya sayo.
Biglang napako,
Hindi pala ako sapat sa'yo
Patuloy akong kumapit sa lubid ng kasinungalingan mo
Kumakapit ako ngunit parang ang bigat,
Napangiti ako ng mapait
Ikaw pala ay may kapalit
Bakit ikaw pa din ang binabalikan
Kung ikaw ay isang nakaraan,
Ang hirap mo pa lang kalimutan.
Siguro,ito na
Tama na..
Pagod na akong habulin ka
Kasabay ng aking luha;
Ang pagkalimut ko sa ating munting estorya.
Tumulo ang aking luha;
Nung ikaw ay nagpaalam na
Ikaw ay tumalikod bigla,
Ayokong tignan ka.
Tignang lumalakad papalayo sa aking
kinatatayuan,
Papalayo sa ating pagmamahalan;
Tumakbo ako papalayo,
Papalayo sa iyong laro.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta,
Saang direksyon ba ang tama
Upang ikaw ay tuluyang mawala.
Pinikit ko ang aking mga mata,
Sana pala hindi na kita nakilala.
Pangako mong ako lang ang mag papasaya;
Magpapasaya sayo.
Biglang napako,
Hindi pala ako sapat sa'yo
Patuloy akong kumapit sa lubid ng kasinungalingan mo
Kumakapit ako ngunit parang ang bigat,
Napangiti ako ng mapait
Ikaw pala ay may kapalit
Bakit ikaw pa din ang binabalikan
Kung ikaw ay isang nakaraan,
Ang hirap mo pa lang kalimutan.
Siguro,ito na
Tama na..
Pagod na akong habulin ka
Kasabay ng aking luha;
Ang pagkalimut ko sa ating munting estorya.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon