29

3 0 0
                                    


Mga piraso ng ating pinagsasamahan
pilit hinahanap ang kasagutan
sa aking katanungan
kung meron nga bang namamagitan
tinanong ko ang mga saksi ng ating
pagmamahalan
nauwi lang ako sa kabiguaan.

Umuulan,
nung ako'y umuwi ng luhaan
kailangan kong harapin
na ang ikaw at ako ay wala palang namamagitan
sinampal na ako ng katotohanan
na ikaw ay dapat ko ng tigilan.

Ubos na ako,
di ako nagtira para sa sarili ko
mailagay ka lang sa sentro
ng buhay ko
mali pala ang ginawa ko
wala kasing tayo
at kailan man ay hanggang dun lang talaga ang ikaw at ako.

Ang pagmamahalan
na ating binuo
ay simbolo
pala ng ating pagkakaibigan
sana di ka nag pakita ng motibo
kung wala kang balak na saluhin ako
kaya sana tigilan na natin 'to
bago pa akong mahulog ng tuluyan sayo.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon