28

3 0 0
                                    


Saan hahantung ang ating mga ala-ala
mga kulitan at bangayan na ating ginawa
mga lambingan
na napunta bigla
sa wala.

Gustuhin kong ika'y hawakan
ngunit ikaw ay pumapalayo sa akin
pilit kong wag lumingon
at baka ako'y magbabasakaling babalikan mo pa ang ating pinagsamahan.

Hindiㅡ tinapos mo na tayo
ng walang ako
tinapos mo na ang namamagitan sa ikaw at ako
dahil iba na ang mundo mo
iba na ang minamahal mo.

Hindi na ako ang iyong hinahalikan sa noo
hindi na ako ang hinahawakan mo ng mahigpit;takot namawala sa mga paningin mo
hindi na ako ang mundo mo
hindi na ako ang minamahal mo.

Kaya kailangan ko ng mawala sa paningin mo
ako na lang mismo
ang hindi pa bumibitaw sa mga salitang iniwan mo
siguro
panahon ng bitawan ko na ang mga pangako mo.
kaya paalam..
Paalam mahal ko.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon