23

3 0 0
                                    


Inay ko,
ikaw ang pinakamagandang regalo
na ibinigay sa buhay ko
siyam na buwan
ang iyong isinakripisyo
para ako'y masilayan mo.

Hindi ko man nakita ang pagpatak ng iyong luha
ng ako'y nakita mo;
pero ramdam ko ang iyong saya
ng ako'y hinagkan mo na
sa lambing ng iyong mga boses
ako'y napapapikit ng ilang beses.

Dahil sa pagmamahal mo
ako'y nakuntento
sa buhay kung anong meron tayo
Salamat sa iyong payo
kung ako'y problemado
salamat dahil andyan ka
palagi sa tabi ko.

Salamat sa mga yakap mo
na sinisigurado mong protektado ako
ng pagmamahal mo
Pasensya kung ako'y may katigasan ng ulo
pasensya kung ikaw ay pagod na magsabi sakin ng kung ano-anong payo.

Sa kabila ng sakripisyo mo
hindi babawasan ang pagmamahal ko sayo
hindi ka mapapalitan ng kung sino
dadating ang oras namamawala na lahat;
ngunit ikaw ay mananatiling ina ng buhay ko.
Salamat sa lahat inay ko.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon