40

11 0 0
                                    


Ilang oras ko na tinatanong ang sarili ko
ano ba talaga tayo?
eto nanaman,
ikaw ay kasama kong tumatawa
sa mga biro ng isa't-isa
masayang magkahawak ang kamay
na para bang kuntento tayo
sa kung anong meron sa'tin
tayo na ba?
kasi para sa akin parang tayo na
Pero bakit hindi ko parin magawang
ipagsigawan
dahil hindi ako sigurado kung  anong meron tayo
tayo nga ba o mag kaibigan lang ba
gumugulo ang aking isipan
kung ano nga ba tayo sa dalawa
eto ka nanaman sa mga yakap mo
na nagsasabing ayaw mo akong mawala sayo
ngunit iyon pala ay panandalian lamang
dahil pagkadilat ng aking mata
dadaanan mo lang ako sa iyong harapan
hindi mo man lang magawang lumingon sa aking kinatatayuan
na para bang wala lang sayo ang ating pinagsamahan
ako lang ba ang nagkakaganito?
ako lang ba ang naguguluhan?
o baka ako lang yung dumating sa buhay mo
ilang oras ko ng tinatanong sa sarili ko
pero tangina di ko man lang masabi sayo
mga katanungan na nais lumabas sa mga labi ko
mga katanungan na puno ng kuryosidad sa namamagitang tayo
tutulo nanaman ang luha ko
sasabay muli ang ulan sa ritmo
ng nararamdaman ko para sayo
pinilit kong lumayo sa tukso
na hindi lumapit sayo
na pigilan ang damdamin ko
hindi ko man lang maintindihan
kung kailangan ko pa bang ipaglaban
o tigilan
kung kailangan na ba kitang kalimutan
hindi ko alam ang sagot ngunit ito ay
naglalaro sa aking isipan
araw-araw
pa ulit-ulit
nakakasawa na
masakit na
kaya sana handa mo ng sagutin ito

❝ano nga ba tayo?❞

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon