12

1 0 0
                                    


"Mahal kita"
Dalawang salita,
siyam na letra
Mga salitang lagi nalamang
nasa isip ko,
hindi ko man lang maipahayag sayo
Tuwing aamin ako,
pakiramdam ko kakainin ako ng kaba at alinlangan ko.

Aamin pa ba ako kung lalapit ka tila dinudukot ang puso ko?
aamin pa ba ako kung gayong ngiti mo pa lang ay nanghihina na ang mga tuhod ko?
Aamin pa ba ako kung sa tingin ko
ay hanggang doon na lang tayo?
Na hindi na mahihigitan ang kung anong meron sa namamagitang "ikaw at ako".

Lalapit pa ba ako sayo,
hindi mali;
ibubulong ko na lang dahil pagod na akong ipagsigawan ang nararamdaman ko
O hindi kaya ay tatalikuran ko
ang damdamin ko para sa iyo.

"mahal kita,matagal na"

Sa pag-amin kong ito,
walang magbabago
Umamin man ako sayo,
mananatili ako sa kinalalagyan ko
Dito na lamang ako,
nakatanaw sa mga ngiti at tawa mong
hindi naman ako ang nagbibigay sayo.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon