9

3 0 0
                                    


Pilit na naghahanap ng paraan,
sa mga piraso ng ating pinagsamahan.
Mga katanungan,
kahit walang kasiguraduhan.
Ako'y naguguluhan,
ano ba ang katotohanan.

Gusto pa din kita,
hanggang titig na lang ba kita?
Ngiti mo ka'y tamis,
nahuhulog na lang ako ng labis-labis.

Gusto kitang hawakan,
gusto kong ipagsigawan.
Na ikaw ay mahal ko pa rin,
umatras ang salita;
baka sa pag sigaw nakin.
Masasaktan lang ang aking damdamin.

Kaya mahal,
Ano nga ba ang namamagitang tayo?
Meron ba akong halaga sayo?
Meron bang ikaw at ako?
O ako lang ang nag-iisip nito.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon