15

1 0 0
                                    


Nagdaang mga panahon,
ikaw ay aking muling nakita
Hindi ko alam ngunit biglang huminto ang orasan,
bumalik ang mga ala-ala
Kung pano natin ito sinimulan,
pero ngayon
Ay kailangan ng bigyan ng katapusan.

Ikaw
Ako
Tayo
Tayong dalawa
Ay palaging magkasama
palagi mo akong pinapasaya
Hindi ko alam kung
bakit ganito ang aking naramdaman
tuwing kasama ka.

May isang tanong ako
ikaw na nga ba sa akin
ay nakatadhana?
Tinignan mo ang aking mga mata
At sabay sabi ng mga katagang
"Mahal kita."

Pinangako mo na ako lang
hindi ko alam
Kung ang aking ba nararamdaman ay tama,
kung ang puso ko ba'y handa na
Natakot ako nung una
katulad ka din nila
Papakiligin,sasabihing 'mahal kita'
kahit hindi naman talaga
at sa huli ay iiwan ng mag-isa at
umaasa.

Hindi pa ako natutulog
pero nais kong magising
Magising sa katotohanang wala ka na
magising sa bangungot na iniwan mong mag-isa
Magising sa diwa na pinangarap nating dalawa
magising ang pusong umaasa na maayos pa.

Patawad kung ikaw ikaw ay aking pinapahirapan
patawad kung patuloy kitang sinasaktan
Patawad kung hindi ako naging perpekto
patawad kung akin ay ginulo
Patawad dahil hindi ko mabigay ang binibigay niya
patawad dahil patuloy pa din akong umaasa
Patawad dahil hindi ako naging siya
patawad dahil minahal kita.

Minahal kita
patawad.
Pero mahal,
Kung diyan ka talaga masaya
at ito talaga ang nakatadhana
Handa akong mag paraya
mahal kita.

At malaya ka na.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon