22

2 0 0
                                    


Pagdilat ng aking mga mata
tumulo bigla ang luha
hindi panaginip ang nangyari
ang mga katagang iyong sinasabi
tapos na pala tayo
pilit kong lumalayo sayo
ngunit ayaw sumunod ng puso ko
ano bang meron sayo
naalala ko bigla
sa mga panahong ikaw ay akin pa
mga oras na ayaw nating pakawalan
ang isa't isa
akala ko yun na
ikaw na
akala ko lang pala
hinahanap ang mga piraso ng ating pag-iibigan
kalat na mga ala-ala ay pilit na binabalik-balikan
ngunit ikaw pala ay isang nakaraan
hinihiling na sa bawat tawa mo
ay ako ang rason ng iyong kasiyahan
hindi ko magawang magising sa reyalidad
pag ikaw ang pinag-uusapan
itatawa ko na lang ba ito?
masakit tanggapin
ngunit kailangang harapin
mga salitang balot ng kasinungalingan
kailangang kalimutan
ngunit ang mga sugat na iyong iniwan
ay mananatiling naka baon
sa aking isipan
Kaya kailangan ko ng tanggapin
ang katotohanang
wala ng ikaw at ako
at hindi na muling magiging tayo.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon