34

7 0 0
                                    


'ano ba tayo?'

katanungan
na laging gumugulo sa aking isipan
di mapakali ang sarili
kung anong gagawin
pag narinig ang
kasagutan.

' May halaga ba ako sayo?'

mas pipiliin ko
na wag maging mahalaga sayo
na kakausapin mo lang pag may kailangan ka
na hahanapin pag walang kasama
na nasa huli ng pagpipilian pag wala ka ng pag-asa.

' meron bang ikaw at ako?'

naisin kong itanong iyan sayo
ngunit ako ay nangamba
baka sa pag sagot mo
ako'y tuluyang mawalan ng pag-asa.

Iilan sa mga gusto kong itanong sa'yo
gustong malaman ang kasagutan sa gitna ng ikaw at ako
gulong-gulo na ako
di alam kung ano ang gagawin
upang ang aking katanungan ay iyong mapansin.

Namumuong luha
sa aking mata
unti-unting pumapatak;
wala talaga
wala talagang ikaw at ako
walang tayo
wala akong halaga sayo
dahil sa mga oras na ito
ako lang ang nag-iisip
na merong 'tayo'.

Tula para sa iyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon