GARAGE SALE

12.8K 122 3
                                    

Hi po. Just wanna share a creepy story. Ako nga pala yung sender ng The Handsome man na story before.

So ito na nga. Nagwowork na ko ngayon sa isang BPO company sa Fort. Nagrerent lan din ako ng bahay kasama bf ko. Live in kung baga. Paunti unti kaming bumibili ng mga gamit para sa bahay. Yun na nga, nagpaplano akong bumili ng orocan na malaki, yung pwedeng sabitan ng damit para hindi magusot (Mejo maarte kasi si bf). Nagcanvass ako kaso mejo mahal tas di naman maganda quality. Yung kapit bahay namin (Which is officemate ko before) sinabihan ako na meron daw syang nakita na garage sale dun sa sakayan ng tricycle banda. Mga japan furnitures daw at may nakita daw syang cabinet dun, try ko daw tingnan.

Kinabukasan, pinuntahan ko agad. Meron nga. Malaki tas malapad, meron ding lagayan ng mga damit sa gilid (Yung mga pwedeng itupi) at drawer sa baba. Ang nakakagulat is sobrang mura nya. Oo. Sobrang mura. 1k lang at pwede pang tawaran. So, nakuha ko sya sa halagang 800 (Sorna, nagtitipid lang). Same day pag uwi ni bf, pinakuha ko na sa kanya yung cabinet, sinakay namin sa tricycle. Mejo mabigat kaya kelangan ko magbayad para sa 2 tao na makakatulong nya magbuhat, nasa 3rd floor pa din naman kami. Sobrang excited ako kasi may cabinet na kami. Nag ayos agad ako ng mga damit. Hinanger ko na yung mga naplantsa ko. Bali nasa paanan namin banda nakalagay yung cabinet. So, parehas kami pagod ni bf that night at naisipan na namin matulog bandang 10pm. Same pala kaming morning shift.

Kinabukasn paggising ko, bukas yung cabinet, as in nakatiwangwang at ang gulo ng mga damit sa loob. Galit na galit ako kasi sa isip ko, naghanap siguro ng damit si bf tas hindi inayos. Ginising ko sya agad. Nagsesermon ako. Sabi nya "Hindi ako naghalungkat jan, parehas tayo tulog diba? Tsaka bat ako maghahanap ng damit ng ganung oras?" Napaisip din ako na may point din sya dun. Pero sermon pa din ako kasi naiinis ako, kakaayos ko lang e.

Fast forward. Kinagabihan ulit, tulog kami pareho. Nagising ako bandang 2am kasi sumasakit puson ko (Meron pala ko). Tumayo ako para magcr. Napatigil ako sa pagtayo nang marinig ko yung cabinet na unti unting bumubukas, yung tunog nya parang sa pinto, yung creepy na tunog ng pinto sa mga horror, ganun na ganun. So ako, lumapit kasi isasara ko nalang. Inisip ko baka hindi naisara ng maayos ni bf (Sya kas inutusan ko mag ayos nung mga damit na nakakalat). Nung isasara ko na sana, bigla akong may narinig na bulong, di ko magets yung sinasabi. Tiningnan ko si bf kung sya ba nagsasalita kaso hindi. Tas narinig ko na naman ulit yung bulong. Mejo natakot na ko kasi ang creepy. Natanggal sa pagkakasabit sa hanger yung isa kong blouse so inayos ko sa pagkakasabit nang may makapa akong buhok. Akala ko fur lang ng jacket, o ano, pero nung kinakapa ko pa sya, buhok talaga. Tas biglang may humawak sa kamay ko, isang malamig din na kamay tas biglang bumulantang sa harap ko yung mukha ng isang singkit na babae, duguan yung parteng ulo nya. Tumutulo yung dugo hanggang mata nya tas may sinasabi sya. Napasigaw nalang ako. Nagising si bf dahil dun, binuksan yung ilaw. Akala may nakapasok na magnanakaw. Pati yung kalapit bahay namin lumabas din para icheck nangyare samen. Tas iyak lang ako ng iyak, kinwento ko sa kanila ang nangyare at nakita ko. Naniwala naman si bf saken. Kinabukasan, sinauli namin agad yung cabinet, sabi ko kahit wag na nilang isauli yung pera pero binalik naman din nila. Sabi nung nagbabantay dun na tindera, panlimang customer na daw akong nagsauli nun at di nila alam kung anong dahilan kung bakit binabalik sa kanila. Di na din ako nagkwento. Every time daw kasi na sinausauli yun, pumapayag lang yung may aring hapon, as in, wala lang daw sinasabi.

Lesson learned, wag masyadong mawili sa mga mura na bagay, lalo na kung second hand, kasi di mo alam ang history ng gamit. Yun lang po.

Yellow

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now