ANNUAL PREMONITION

670 14 0
                                    

Magandang araw mga Spookifiers! Taon taon kong nararanasan na magkaraon ng premonition. Okay lang sana kung may mga mabubuti akong nakikita, pero puro di-maganda ang nakikita ko.

Para sa mga taong napag-kwentuhan ko na nito dati, please wag nyo ko i-tag hehe.

Taong 2013

High school pa lamang ako sa aming probinsya nang taong ito. Dalawang beses pa lamang ako nakakatungtong ng Kamaynilaan kaya naman wala akong ideya sa mga lugar sa Metro Manila (6 years old at 14 years old ako non). Nanaginip ako ng isang malaking sunog. Nakasakay ako sa kotse at kitang kita ko na nasusunog ang isang malaking pabrika. Mataas ang pader nito pero naririnig ko ang pagdaing ng maraming boses — nagmamakaawa at humihingi ng tulong. Pagkagising ko, sinabi ko sa sarili ko na "May masusunog na pabrika sa Valenzuela". Ilang linggo lamang ang lumipas ay may isang malaking pabrika sa Valenzuela ang nasunog. Maraming na-trap at namatay. Napanood ko ito sa balita. Tumindig ang mga balahibo ko dahil alam kong 'yon na 'yon. Wala akong kasiguraduhan pero alam ko sa sarili ko na iyon ang nakita ko.

Taong 2014

Graduating ako ng taong ito pati na rin ang aking (dating) kasintahan (si G). Isang araw, galit na galit ako sa kanya. Nang makita ko sya sa eskwelahan, napatitig ako sa kanya at biglang tumakbo sa imahinasyon ko na "may mangyayaring masama sa kanya — isang matinding aksidente." Nang hapon din na iyon ay nabalitaan ko na nabangga ng truck ang minamaneho niyang motor. Hindi siya namatay pero na-delay siya ng pag graduate dahil sa tindi ng mga bali niya sa buto at tindi ng mga sugat na inabot niya.

Taong 2015

Ikadalawang taon ko sa kolehiyo. Nagpasya akong lumipat ng dorm. Nakakita ako ng maayos na dorm — maganda, may wifi, at mura. Matanda na ang may-ari ng dorm pero malakas pa siya. Ngunit nang unang gabi ko sa dorm na iyon ay pumasok sa isip ko na "May mamamatay sa bahay na ito bago ako umalis. Dalawa." Nangilabot ako sa naisip ko! Pero 2 taon ang lumipas, July 2017 namatay ang matandang babae. Pagtapos ng dalawang buwan, September 2017, namatay ang matandang lalaki. Pagkatapos ng dalawang buwan, Nov 2017, umalis ako sa dorm at lumipat sa iba. Nagkatotoo na may dalawang namatay sa bahay na yon bago ako umalis.

Taong 2016

nanaginip na naman ako ... Sa panaginip ko ... pumunta ako sa Batanggas upang magcelebrate ng birthday ng isang kaklase noong High school. June 26 ang birthday niya. Pagdating ko sa BSU (school niya) ay ibang tao ang nakita ko. Si Siena (di tunay na pangalan) ang nakita ko. Kapatid siya ng aking (dating) kasintahan (si G pa rin). Sa BSU rin pumapasok si Siena, umiiyak siya sa isang tabi. Nilapitan ko siya at niyakap. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko na sa sarili ko kung anong problema niya. Nasa isip ko na "buntis siya". Binale-wala ko ang panaginip na yon. Pero lumipas ang ilang bwan. Isang gabi tumawag si G sakin, umiiyak. Sinabi niya na buntis daw si Siena. Nagulat ako sa balita. At tumindig ang mga balahibo ko nang makita ko ang date. June 26!!! June 26 nila nalaman na buntis si Siena, tumugma sa panaginip ko.

Taong 2017

Sa classroom. Haggard na haggard ako nang oras na yon. Tinuro ako ni sir at sinabi nyang "Neng, pag hindi ka nag ayos ng sarili mo matandang Amerikano lang ang magkakagusto sayo". Sumagot naman ako "Ikaw sir, mamamatay ka na". Pabulong lang pero narinig niya. Nagulat rin ako dahil nasabi ko yon. Ako yung tipo ng tao na di nagsasalita pero di ko alam kung paano ko nasabi yon. Hindi na ako pumapasok sa klase ni sir kasi ibabagsak na lang daw nya ako (hehe) pero bago matapos ang sem ay namatay siya :( (heart attack daw). Iba ang nagbigay ng grado samin kaya pasado pa rin ako.

Taong 2018

Last week of January pa lang ngayon. Marami na akong nakita. Pero sa lahat ng nakita ko — isa lang ang magkakatotoo. Yon ang anual premonition ko.

Veronica

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now