DEVIL BEHIND ME

2.3K 20 0
                                    

Hi, share ko lng po story ko kasi first time ko makaexperience ng ganun..I mean madami na ako naging exp pero ito talaga ang sobrang kinilabutan ako..Nangyari lang ito last April.

Aware ako na dating tapunan daw ng mga salvage victims itong kinatitirikan ng inuupahan namin kasi nung nasa first floor palang kami andami na talgang nagpaparamdam pero binabalewala ko lng. So Bale lumipat kami sa 2nd floor kasi mas mura upa. So ito na, si Mr. panghapon pasok at mga quarter to 12 sya nakakauwi. Nakasanayan na namin ng baby girl ko nang magpuyat pero ewan ko ba nung araw na yun 8:00 palang inaantok na ako eh yung anak ko di pa inaantok so hinayaan ko lang sya manuod ng tv at natulog nanako. Naalampingutan ako nung dumating si Mr. at naririnig ko pa sila naguusap ng anak ko sa kusina at umidlip ako ulit. Wala kasi kami kwarto kaya kurtina nalng parang ginawang divider sa higaan namin at kusina. Maya-maya bigla akong napadilat ng di ko malaman tas may narinig ako sa likuran ko na malalim na ungol na malademonyo! ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga nya sa batok ko. Lalo akong kinilabutan nung narealize ko wala ng space sa likod ko at dikit na dikit yung likod ko sa cabinet. Gusto kung sumigaw pero walang lumalabas na boses ko at di ako makagalaw. Wala akong magawa kundi umiyak nalang kasi rinig na rinig ko parin si Mr. at anak ko na naguusap at di manlang nila ako matulungan. Maya maya humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko at kitang kita ko yung sarili kong nakahiga. Iyak parin ako nang iyak kasi akala ko katapusan ko na.Nakalutang na ako at dumikit ako sa may pader na parang may comocontrol sakin at dahan dahan ako umikot hanggang sa nakatiwarik na ako..sumisigaw na ako at humihingi ng tulong sa mga punyetang kasama ko sa bahay dahil nakikita ko sila ansarap ng kain nila tapos yung katawan ko pa ring nakahiga lng na wala ng buhay.Nagdasal ako at bigla na lang akong bumalik sa katawang lupa ko. Akala ko tapos na pero may nagtakip sa ilong at bibig tapos di na ako makahinga. Di parin ako makagalaw. Unti-unti ng dumidilim paningin ko ng bigla ko naisip ko tinuro sakin ng tatay ko na igalaw ko daw mga daliri ng paa ko na sya namang ginagawa ko kaya after a few seconds nakawala ako (di ko masasabing nagising ako kasi dilat na dilat mata ko at nakikita at aware ako paligid ko) Hingal na hingal ako at sinigawan ko si Mr. at pinagalitan dahil di naya ako tinulungan or silipin manlang! Sinabi nya sakin na akala daw nya tulog ako at baka raw binangungot ako.
Bangungot nga ba to? kasi lagi akong binabangungot dati sa 1st floor pero hindi naman ganito, tulog ako pero iba ito eh..gising na gising ako. Naalala ko pala sabi nung Tita ng asawa ko dati na manggagamot na mag-iingat daw ako kasi may chance daw na sapian ako.
Lagi po akong nagdadasal at malakas po pananampalataya ko pero ewan ko ba dahil din siguro naniniwala din ako na nageexist sila.

Marami pa po akong nararamdaman dito pero sobrang haba na po kkk!!

Seulgibear
Q.C

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now