Kamustasa kalabasang niluto sa gata. Buhay na buhay ako, sino nagsabing patay na ko? Hahahaha.
May kwekwento ako senyo. Tungkol sa tyahin ni Raphael. Yung pinatay. Ganto nangyari. Yung tyahin nya, manggagamot. Si Sam, tuloy ang padala ng pinansyal na tulong sa kanila kahit patay na yung kapatid nya. Nakilala lang nila si Sam nung panahong minamaltrato si Raphael ng magulang nya. Sa kanya kasi naka pangalan yung pera. Para sa pag-aaral nya. Sumulat si Mary kay Sam, yun na lang itawag natin, Mary, na kung pwede, sana kunin na nya si Raphael.
Nakailang sulat si Mary pero si Sam, hindi pumupunta. Bagkus nilakihan na lang nya yung padala nya. Nagulat na lang sya, isang araw, may nagtao po sa bahay nya, una akala nya kapatid nya kasi kahawig. Pero nung magpakilala, dun nya nalamang si Mary yun.
Close na close si Sam sa kapatid nyang kahawig ni Mary. Kaya nung bumalik si Mary dito samin, kasama na sya. Naabutan nila na umiiyak si Raphael sa likod bahay. Dun pinakita ni Mary yung mga latay sa buong katawan ni Raphael. Dun parang natauhan si Sam, naalala nya mga paghihirap nya noon, parang nanumbalik yung sakit ng sugat ng kahapon. Nagagamot lang ni Mary yung mga sugat ni Raphael sa pamamagitan ng mga dahon na binubulungan nya.
Kinausap ni Sam yung magulang ni Raphael, na iba yung magiging sustento ni Raphael, iba yung sa kanila basta wag lang nila saktan anak nila. Akala nya makikinig sila, pero nung makatanggap ulit sya ng sulat kay Mary matapos ng ilang buwan, yun na. Pagdating nya, naabutan pa nyang nakakadena isang paa ni Mary sa poste ng bahay, nakahiga naman si Raphael sa may banig habang nilalapatan nya ng dahon yung mga sugat.
Fast forward. Nung nakapag asawa si Raphael, dun sila tumira sa bahay sa baryo. Habang si Raphael, nagtratrabaho sa manila. Si Sam, nung nalaman nya yung panggagamot ni Mary tapos nakita nya kung saan nanggagaling, pinatigil nya si Mary. Nakinig naman si Mary, tinigil nya. Pero may kapalit.
Unang una, pinaliwanag ni Sam sakin, na hindi alam ni Mary na galing sa masama yung kakayahan nyang manggamot. Isa rin yun sa dahilan kung bakit si Kiel, Carl at Balthazar hindi na ginagamit ability nila, hindi kasi nila alam kung sinong may bigay, Diyos ba o diyablo kaya mas mabuti, sabi nila, na itigil na, tuldukan na.
Yung naging kapalit kay Mary ganito. Sa loob ng isang taon, bago sya pinatigil ni Sam, lahat lahat ng napagaling nya sa sakit, kulam o sanib, bumalik lahat yun at grumabe pa. Hindi sinabi ni Mary kay Sam yun, tiniis nya lahat ng pang aalipusta sa kanya ng mga taong dati natulungan nya. Ang talaga kasing may kasalanan, sabi nung bestfriend ni Mary, yung isa pang manggagamot sa lugar nila. Sya yung nagsabi, nagkalat, na si Mary yung may gawa nung mga sakit nila kaya napagaling nya sila, nung napapagaling pa sila ni Mary, hindi sila naniniwala. Ngayon nung bumalik yung mga sakit nila sa isang iglap, lahat ng naitulong sa kanila nung tao, nalimot nila.
Nung namatay sa aksidente yung mag ina ni Raphael, aksidente sa paningin ng iba, parang ganun kay Kuya Jon, pero para kila Sam, alam nila yung totoo. Nadepress si Raphael, pagkagising nya nung malaman nyang sya lang nakaligtas. Sa sobrang lungkot, nagpasya si Raphael na umalis at magtrabaho sa middle east. Para makalimot, mabaling sa iba ang isip. Sa loob ng apat na taon, hindi sumulat o tumawag man lang si Raphael. Galit sya nun kay Sam pati kay Mary.
Si Sam, pinagpatuloy buhay sa syudad. Si Mary kahit anong pilit ni Sam, ayaw iwanan yung bahay nila dito. Hinayaan sya ni Sam, na hanggang ngayon, sinisisi nya sarili nya, na sana buhay pa si Mary ngayon kung nagmatigas syang dun na ito tumira.
Isang gabi, kausap nya sila Adam, magkakakilala na sila. Nung may tumawag sa telepono. Si Raphael, umiiyak, hindi maintindihan sinasabi. Nung kumalma, parang nilubog sa malamig na tubig ang pakiramdam nya.
NV
'Sam. Si Tyang, Si Tyang wala na'
'Anong wala. Paano? Sino nagsabi'
'Patay na. Pinatay sabi ni Esing. Sam di ko na kayang maglibing pa ulit ng mahal ko sa buhay. Di ko na kaya'
Umuwi sya. Sabi ni Sam, parang sasabog dibdib nya sa lungkot, galit, inis, sabay sabay. Lalo na nung makita nya yung kabaong sa loob ng bahay nila, nakasara. Pinigilan sya ng mga taga run na buksan, hindi raw kasi nya magugustuhan yung makikita nya.
Pinilit pa rin nya, sa lakas nya may makakapigil ba. Parang sa ikalawang pagkakataon, nakita nya yung bunso nyang kapatid na patay. Yung mga natirang kaibigan ni Mary yung nag asikaso pati nagsolicit sa munisipyo para mabilhan sya ng kabaong. Akala kasi nila, wala ng ibang kamag-anak si Mary na asa pilipinas.
Walang suspek yung mga pulis sa pagpatay. Ang masasabi ko lang, brutal, sobra. Bago pinatay si Mary, pinagsamantalahan sya, sabi nila, nakasinghot yung gumawa, brutal kako sa inyo. Pa singkwenta na nun si Mary pero sabi nila Adam, maganda pa rin. Maliit lang din na babae na nasa five flat lang. Pero ang sabi ng mga pulis, iisa lang ang gumawa. Pero sabi ni Sam, marami sila.
May hinala na sya na taga roon rin lang lalo pa at sabi ng pulis walang pwersahang pagpasok sa bahay. Ibig sabihin kilala ni Mary at pinapasok nya silang maayos sa loob. Nagwala wala sya nun lalo na nung maisip nya, nasa mga nakikilamay yung mga gumawa.
Sa mga nagtatanong kung sino ang pumatay sa tatay ni Bobby at iba pa. Alam nyo na kung sino, kung sino yung may latay sa likod na nakita nila. Ngayon alam nyo na rin kung bakit.
Hanggang ngayon, hindi lang adik o nagpapa 5'6 ang tumutumba samin bigla bigla. Hanggang ngayon, pag pinaghinalaan kang mangkukulam, lalo na pag sa baryo, kung hindi ka aalis, titimbuwang ka nalang bigla. Kung hindi binaril, sinaksak.
Etong pangyayaring to yung nakita ni Dean nung unang beses nyang mahawakan si Sam. Kaya nung una, takot sya sa kanya.
Wala akong kabalak-balak na ikwento to. Kaso, pagkapost nung umbra populo, hindi na ko naka open ulit sa account ko kasi nga marami akong nilalakad pagpasok pa lang ng taon. Yung dummy na lang na minsan ko rin lang buksan. Kaya netong march ko lang nabasa yung message ni bobby sakin. Nabasa na pala nya mula una pa lang at may hinala na syang ako yun. Pero hindi sya makasigurado lalo may mga binawas ako at medyo binago kaya di nya pa gaanong napagdugtong dugtong.
Kaso yung sa umbra populo, wala akong binago, yung petsa lalo yung birthday ni Kiel, pelikulang pinanood, pagpunta sa luneta, isang kilometrong pila sa cubao, lahat sakto walang labis walang kulang. Friend namin sya nila Kiel sa peysbuk, kaya nung mabasa nya yung umbra populo tapos tinignan nya yung mga post ko tapos nakatag na post sakin, huli ka balbon. Galit na galit sya sakin. Pinagmukha ko raw kasing mabuting tao si Sam, dami daw kinain ng sistema, sabi nya isa akong idjit .Kaya nung nagpaliwanag ako sa kanya pagkabasa ko, tinawagan nya ko sabay galit na galit na nagsasalita. Tapos pinabura ko lahat ng post nila Balthazar, pati post kong may connection dun sa kwento, mahirap na.
Hinayaan ko lang syang magalit, murahin ako, sige lang, kasi nga busilak ang puso at atay ko tapos pogi pa ko. Pero ang hindi ko kinaya yung sinabi nyang nagsend sya ng tungkol sa nangyari sa tatay nya, ay kennat bibei. Nung sinabi ko kay Sam, sabi nya, hayaan ko lang, kalayaan ni Bobby yun. Kaya kung sakaling totoo man yun sinabi ni bobby singer, gusto kong malaman nyo mga brad, oo kaibigan ko si Sam, namin nila Dean. Alam namin na kasalanan yung nagawa nya, lahat naman may pagkakataong magbago, magsisi. Kung may kasalanan man si Sam, may kasalanan din silang pumatay kay Mary. Sayang lang at nasayang ang maraming buhay dahil lang sa maling hinala.
Mga brad, may bago na kong trabaho. At sa mars pa yun hahaha de joke lang. Flight ko na next week, nauna na dun si Kiel at Carl, mas nauna kasing dumating yung ticket nila pati kontrata. Ibang kultura, apat na season, baka maculture shock ako lalo ingles ang salita. My nose, don't english me, my brain might freeze, ay kennat. Tapos perstaym ko pang malayo sa nanay ko, sakit sa heart. Kaya siguro sa May, June O July na lang ulit. Sa pagbabalik ng pogi nyong lingkod, makikilala nyong mabuti si Raphael Kulot at si Adam and brothers. Gusto ko kasing maka adjust muna bago ako magsimulang tumipa ulit para hindi maligalig yung pagkakakwento.
Yung kwento ng buhay ni Sam, si Kiel ang magkwekwento. Sya bahala dun kasi napilit nya e pumayag naman si Sam pero sa kondisyong, si Kiel na pinaglihi sa anaesthesia ang magkwekwento, sya magaling maglatag ng kwento lalo pag may mga bagay na itatago pero hindi dapat mahalata. Ang malaking tandang pananong, kung malalaman nyo bang buhay na ni Sam ang kwentong binabasa nyo hahahaha. At wala na kong ibibigay na clue kasi hahaha.
Ingat sa madidilim na lugar, dala ng flashlight. Syempre magdasal. Ay laybyo all. Merci.
Kevin Eleven
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Fanfictionthis stories are from faceboook, official site of spookify and I make this for readers who want to read it offline like me :) so add this tory to your library and click vote :) Have a great day! Thanks :) SPOOKIFY OFFICIAL FACEBOOK PAGE: ht...