Sinful Act 1

13.9K 37 8
                                    

Maraming natuwa sa Z and N. Ngunit pasensya na hindi ko na ata kayang ituloy ang storya na 'yon. May rason po ako kung bakit hindi ko tinuloy pero ngayon, Sana maintindihan nyo at suportahan pa rin ako.

Warning: Strong language in use.

Tama nga ang sinabi nila.

Kahit pa grumaduate ka kung wala ka namang trabaho, isa ka paring walang kwentang tao.

"Oh lara hanap ulit?"tumango ako kay  keila ang kasama ko sa nirerentahang aparment. Dalawa kami rito at nagtutulungan.

"Oh" inabot n'ya sa akin ang isang pack ng malboro. Alam n'ya namang di ako nagyoyosi, ang babae ding to

"Mayroon akong alam.. Beerhouse nga lang" tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi n'ya

"Hanggang handjob lang ako keila, virgin pa ako, hindi ko kaya mag patira ko o chumupa sa hindi ko naman kilalang tao." Reklamo ko

"Nagreklamo pa, hindi naman 'yon ang ibig ko sabihin! Waitress sa isang beerhouse hindi bayarin!" Natawa kami parehas

"Sige payag ako" tatanggi pa ba ako? Siguro oo kung usapang kalaswaan lamang.

"Advance mo talaga kung minsan" Inirapan ko lang sya

"Kakausapin ko mamaya yung manager nila" tumango ako

"Kamusta na kayo nung boyfriend mong kano?" Natawa naman s'ya sa sinabi ko at agad na umupo sa maliit na lamesa sa harap ko.

"Wala ayon si tanga bigay parin ng bigay ng pera, inaya pa nga ako magpakasal non! Porke ginilingan ko lang, pero ang gusto ko talaga iyong anak n'ya na napaka gwapo!" tumawa naman kami parehas.

"Pero ang sabi ko lang nung inayaya ako magpakasal...."

"I wan't you to know me first before you ask me to a wedding.." Sabay ulit kaming tumawa

"Baliw ka talaga! Pag 'yon na obssess sa iyo nako" Kumindat s'ya sa akin at ang kaninang malboro na inabot sa akin ay kumuha siya ng isa at sinindihan.

Nagkwekwentuhan lang kami ng masira dahil may tumawag sa akin.

"Sagutin ko muna to" tumango si keila kaya naman ay tumayo na ako sa sofa at kinuha ang phone

Huminga ako ng malalim at tinignan kung sino ang tumawag...

"P-pa.." Pangunguna ko sa kabilang linya

"Anak! Kamusta kana?"

"O-okay lang naman po.. Sila Lawrence, Pia at si mama okay naman?"

"Okay naman, napatawag lang kami anak kasi may goodnews itong si pia" natutuwang sambit nito sa akin

"Sige pa, pakausap naman kay pia" ilang saglit lang ay narinig ko ang phone na pinagpasahan

"A-ate!" Narinig kong sigaw ni pia sa kabilang linya

"Oh? May goodnews ka raw, ano 'yon?"tanong ko

"Ate kasama kasi ako sa top actually top one ako!.." Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi ngunit napangiti nalang ako.

Naging katulad mo din ako.

Pero tignan mo itong narating ko?

Impyerno.

"W-wow ang galing naman! Mana ka talaga sakin!"

Tumawa siya at nagsalita"Ako pa!" Kinagat ko ang labi

"a-ate ano kasi.." Huminga ako ng malalim, mukhang alam ko nato.

"Sige ano 'yong ipapabili mo? Bibilhin ni ate"

"Ayiee! Alam agad!"

"Gusto ko sana ate nung ipinakita ko sa'yo na sapatos 'yong nasa isang online shop.. G-gustong gusto ko talaga 'yon"

"Ah, iyong White na sandals? Sige bibilhin ko 'yon para sa'yo tatawag ako pag na-order ko na.."

"Ayiee salamat ate! The best sister ka talaga!" Kinagat ko ulit ang labi

"S-sige may sasabihin kapa ba? Baka may ipapabili din sila papa.."

"Wala na po pero si mama may sasabihin sa'yo"sagot niya

"Sige pakibigay naman kay mama.."

"Anak.."

"Pasensya na rito sa mga kapatid mo, alam ko namang mahirap talaga ang buhay r'yan sa maynila pero.."pinutol ko na agad ang sinabi n'ya

"Nako ma! Ako pa! Maganda ang trabaho ko rito 'diba? Isa nga akong manager sa isang hotel rito.. Mataas naman ang sweldo ko kaya okay lang naman.." Naramdaman kong namuo ang mga luha ko, shit wag muna lara!

"S-sige anak basta ikaw, wag mo papabayaan ang sarili mo at lagi kang kumain sa tamang oras.." Huminga ako ng malalim

"O-oo naman po.."

"Si--teka umiiyak kaba 'nak?"

"Na homesick lang siguro..pero sige na ma m-may gagawin pa ako rito.."

"Sige anak, mahal ka namin ng papa at kapatid mo. Lagi kang mag-ingat r'yan."

"K-kayo rin po mag-ingat, mahal ko rin kayo" tinanggal ko ang cellphone sa tenga at pinindot agad ang end button sa call.

Ipinapangako ko sa sarili,

Kahit anong mangyari,

Hindi ko hahayaang masakop ako ng impyernong ito.


Dedicated po ito sa mga taong iba't iba ang buhay, Na para sa atin, na para malaman natin ang buhay ng ating kapwa at suportahan na walang halong kaplastikan. Para sa mga taong lumalaban parin sa buhay. Na hindi dapat natin sila ijudge dahil sa kabila ng mga ginagawa nila may storya.

.

Sinful Acts Where stories live. Discover now