Sinful Act 9

2.3K 20 3
                                    

Chapter 9
-

Tinignan ko ang salamin sa sarili habang suot suot ang damit na pinahatid dito. Ngayon ang araw na mag kikita kami ng maximus na 'yon. At sobrang nag sisisi ako ron. Kung bakit hindi ko muna inisip ang posibleng maging kalalabasan sa oras na pinirmahan ko ang kontratang mukhang ikakagulo ng buhay ko.

Nang matapos ay agad ko namang itinuon ang sarili sa buhok.

Habang inaayos ang buhok ay napatingin ako sa lamesa kung nasan ang cellphone ko.

May tumatawag.

Agad akong lumapit don at kinuha ang cellphone.

Agad kong tinignan kung sino 'yon.

Unknown Number?

"U-uh hello?" Pag sisimula ko.

"Come over, Quick." Nagsi taasan ang mga balahibo ko.

Maximus..

"Oo!" Hindi ko alam kung bakit umiba ang inakto ko, marahil, nagulat lamang ako.

"Save my number." Aniya at agad na ipinatay ang linya.

Ang kupal na iyon! Tatawag lang upang ipaalam sa akin na bilisan ko!

Huminga ako ng malalim, napapikit, iniisip ang katangahan na pinasok.

"Wala na, nandito kana, lara." Bulong ko sa sarili bago ituloy ang pag aayos.

Sa totoo lamang inayayaan n'ya akong sunduin daw ako ng kan'yang tauhan ngunit umayaw ako. Gusto kong umalis ng mag isa.

Nakatinghala akong lumabas ng taxi na sinakyan, tinitignan kung tama ba ang pinuntahan.

Tumaas ang mga balahibo ko sa kakaisip na, Isa ito sa mga sikat na hotel na gusto ko noon pag trabahuhan.

Pumikit ako ng mariin at agad ding dumilat.

The truth is, Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa bawat hakbang na aking ginagawa.

Habang naglalakad na ay nagulat ako ng may tumatakbong babae papalapit sakin, at sa hindi inaasahan ay parehas kaming napaupo sa sahig.

Napapikit ako ng maramdamang namilipit ang paa ko.

"P-pasensya napo.." Napa aray ako sa isip.

Shit, Naka heels pa naman ako.

Tinignan ko ang aking nakabungguan

"Sorry, Miss." Aniya at inilahad ang kamay upang alalayan ako makatayo.

Sobrang namimilipit ang paa ko sa sakit ngunit hindi ko na 'yon ininda.

"Sorry talaga, h-hindi ko kasi napansin. Nagmamadali kasi ako." Napatango nalang ako

"Okay lang.."

"May masakit ba? Gusto mo pumunta ng clinic? Tutal ako nama--" hindi ko na nakayanan ang sakit at biglang napaupo na ng tuluyan.

Agad syang nagulat at tinulungan ako makatayo, tinanggal n'ya din ang heels ko.

Napansin ko ring natuon ang atensyon ng mga tao sa amin, at may papalapit na guard sa aming dalawa.

-

Hindi ko maisip na kanina ay dapat naroon nako kung nasan si maximus, ngayon ay napunta ako sa clinic ng hotel.

Kinausap na kami ng doctor at tinapalan narin ako ng bandages, at sinabihan akong huwag muna mag suot ng matataas at ipag pahinga raw ang katawan.

"Miss, pasensya na talaga." Napatingin ako sa babaeng nakabangga sa akin.

Ngumiti ako sakanya

"Okay lang 'yon. Ngunit sana sa susunod ay dapat tayong maging kalmado." Tumango s'ya at napayuko.

Maiksi ang buhok nito at nakasalamin.

"W-wag kang mag alala! Kung gusto mo ay sagot ko narin ang 'yong pagkain!" Ngumiti s'ya.

Umiling ako. Iniisip na, anong nangyari kay maximus, na baka umalis o hinahanap na n'ya ako.

"O-okay lang ako." Napatingin ako sa buong kwarto at agad na nakuha ng tingin ko ang purse

"Kung maaari, pwede mo ba mai-abot ang purse ko?" Tumango s'ya at agad na ibinigay 'yon sakin.

Pumikit ako at kinagat ang labi, kinuha ko na ang phone ko at sinimulan tawagan si maximus.

Napatingin naman ako bigla sa babae, ngayon ay mukhang nagulat s'ya. Bakit kaya?

"H-hello?"

"What's been taking u for so long?" Huminga ako ng malalim

"Its been like, One Hour. You're not here yet."

"Nandito na ako, ngunit kailangan kong pumunta sa clinic dahil..Natapilok ako." Kinagat ko ang ibabang labi, tinignan ko ang babae at gulat na gulat ito.

"What?!" Biglang namatay ang linya.

Oh great.

"Pasensya na." Sabi nya ulit.

"Wala lang 'yon." Sagot ko

"Ka ano-ano mo p-pala si Maximus?" Aniya na ikinagulat ko.

Kilala n'ya si maximus? Kaya ba gulat na gulat sya ng makita n'ya ang pangalan nito sa aking phone?

Agad ulit syang nagsalita

"A-ah wala, baka iba ang tinutukoy ko." Ngumiti ito.

Habang tahimik ay napatingin na ako sa pinto ng may kumatok.

Sinful Acts Where stories live. Discover now