Sinful Act 8

2.6K 19 5
                                    

Chapter 8

-

Akala ko maayos na ang lahat, hindi ko alam na seseryosohin pala ng kupal na maximus ang kontratang ibinigay sa akin.

Lagi s'yang nasa bar at napapatagal din ako sa VIP Room upang sakanya mag bigay ng drinks.

hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang kanyang pakay o may saltik s'ya sa utak, basta ang alam ko ay interesado s'ya sa akin, pero parang ganon na nga talaga.

Huminga ako ng malalim bago kuhanin ang nakahandang drinks na para sa gago na 'yon

"Salamat lukas.." Sabi ko, tumango s'ya at agad ding bumaling sa iba.

Huminga ako ulit ng malalim bago dumiretso sa VIP Room kung nasan sya.

"San kana nagse-serve? Naparito ka lagi-lagi" Si kuya Pablo.

"Ah, wala lang ho.. Okay lang naman kay dos at sally" tugon ko, tumango naman sya kaya naman ay nilagpasan ko na.

Nang makarating ay wala kong sabi na binuksan ang pinto.

Tumambad ang lalaking kinaiinisan ko na nakaupo at malalim ang iniisip.

Walang imik ako habang pumupunta papalapit sakanya, agad kong padabog na inilapag ang inorder n'ya.

Naramdaman ko ang pagtitig n'ya sakin, para bang may pag nanasa.

Agad akong umayos ng tayo ng kuhanin ang tray at tumalikod na ng magsalita s'ya.

"Talagang ganyan ang trato mo sakin?" Hindi ako lumingon at nagsalita.

"Whatever, mayroon kang tatlong araw para pirmahan 'yan." huminga ako ng malalim at hindi na napigilan ang sariling lingunin s'ya at nagsalita.

"Ano ba kasing kailangan mo?!" Sigaw ko sakanya, hindi ko maintindihan ang gusto ng lalaki na ito.

"Please naman! Wala kang mapapala sakin! Kung ang hanap mo ay ka-sex, bibigyan kita!" Dagdag ko, tumingin ako sa mga mata n'ya, dun ko lang napansin na seryoso s'ya

Jusko po! Ano po ba ang kailangan ng lalaki na 'to?

"I'll tell you but you have to sign the contract first.." Ani nito, umirap ako.

Huminga ako ng malalim at malamyang tumingin sakanya, ano bang silbi kung pipirmahan ko 'yon? Ganyan ba sya?

Iilang mga panghuhusga ang pumasok sa isip ko habang nakatingin sakanya, nagbabaka sakali na maisip n'ya na baka nakakahiya na ang kanyang ginagawa ngunit mukhang wala sakanyang talab 'yon.

"Pipirmahan ko..Sa isang kondisyon.." Tumingin ako sakanya ng patas na tingin.

"Hmm?"

"gagawin ko ang lahat ng gusto mo, pero hinding hindi ako maiinvolve sa kung ano mang personal na buhay ang meron ka. At wag na wag mo idadamay ang kung ano ang meron ako. Kung sex ang habol mo wala kang mapapala sakin, hindi ako bayarin na babae, hindi kita maintindihan, ganyan kaba? kapag walang napatol sayo? Pinapamirma at pinagbabantaan mo rin? Kasi kung ganon nga walang hiya ka.." Ngumisi s'ya at nagsalita.

"Sa lahat ng naging babae ko Ms. Bartolome, ikaw lang ang bukod tanging tumanggi..Ibang klase" Nilabas nito ang dila at binasa ang kanyang labi, napaiwas naman ako ng tingin. Puno ng kayabangan!

"Ano pabang sasabihin mo? Kung puro kayabangan lang hindi ako interesado makinig." Matapang kong sabi at tumalikod na, at naglakad papunta sa pinto.

"Just sign the contract, Ms. Bartolome." Aniya bago ako lumabas na iniirapan s'ya ng di n'ya alam.

-
Nang makauwi ako ay kwinento ko kay keila ang buong nangyari, at base sa reaksyon n'ya ay di raw sya makapaniwala.

"Nako! Bat kaba tumatanggi ng grasya!" Inirapan ko s'ya

"Pinirmahan ko na bago ako umuwi at nagkita kami sa likod ng bar ngunit may kondisyon ako na mukhang naiintindihan n'ya naman at tyaka anong grasya ka r'yan!"

"Dapat d'yan sa mga mayayaman nayan ay pinapakain ng palaka, mga matapobre! Pag namatay naman sila hindi nila madadala ang yaman nila!" Mahina syang tumawa at nagsalita

"Hay nako, i-search nga natin 'yang Del Mueva na 'yan." Aniya, at tumayo, nasa sala kami at nag uusap.

Nagulat ako ng bumalik sya ng may dalang laptop

"san mo 'yan nakuha?" Inirapan n'ya naman ako.

"bigay sakin ng kano..di na ako tumanggi" umiling ako at natawa naman s'ya

"Anong pangalan?" Tanong n'ya

"Maximus.." Tumango naman s'ya at sinearch.

"Tama 'no?" Tumingin ako sa screen, tumango ako.

Habang lumalabas ang mga pangala ay may nakita ako

Del Mueva Accident Issue

Ngunit bago ko pa man sabihin sakan'ya ay napindot nya na ang pangalan nito.

Walang mismong impormasyon ang lumabas sakanya kaya naman pinindot namin ang isang website na mukhang nandon ang tungkol sakanya

"Gwapo uy.." Bulong ni keila, umirap ako.

"Sikat sila sa business Industry, ang daddy nya si Aquil Del Mueva habang may isa s'yang kapatid na lalaki si Kent Del Mueva." aniya napatango naman ako ron

"Madami silang naipundar, namatay naman ang mommy n'yang si Shannon  Del Mueva"Napatango ako.

Habang ini scroll down n'ya ay napatigil s'ya,

"Jusko! Lara!" Aniya, agad n'yang itinuro ang screen, nanlaki ang mata ko sa nakita.

May fiancée s'ya.

"Amara Thrindell ang pangalan.." Napaisip ako, pamilyar ang pangalan na 'yan.

"Naku po lara.."kinagat ko ang labi ko.

Napaka tanga mo lara!

"May fiancée 'yong tao.. Wag na wag mong iisiping gawin.." huminga ako ng malalim

"Kailangan ko makausap ang mokong na 'yon.."

Sa dinarami rami pa ng babae bat kailangan ako ang mabiktima nya?

--

Sinful Acts Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang