Sinful Act 14

1.7K 18 3
                                    

Chapter 14
Bathroom

Ngumiti ako ng ipagkilala ni Max ang Secretary n'yang si Emric Caspian.

"Hello, Lara. Emric." aniya at nakipag kamayan.

Tumingin ako kay Max at nakita ko lamang s'ya na nakatingin sa akin, agad akong umiwas.

"Bumalik kayo pagkatapos." ani Max.

"Yes, Sir." Marahan akong ngumiti habang iginaya ako ni Emric palabas ng hotel.

Tahimik ako ng pumasok sa kotse.

"ah, Ms. Bartolome" Agad akong lumingon sakanya. Medyo Komportable naman ako kahit papaano.

"Nice to meet you po, Enjoy po pag dating natin sa Mall." aniya. Ngumiti ako at tumango.

"A-actually, Wala akong plano sundin ang sinabi ni Max, kung maaari pwede ba tayong dumiretso muna sa malapit na Padalahan ng Pera?" Tanong ko rito. Mukhang nagulat ito at nagsalita

"Pero..ma'am, baka magalit s---" agad ko syang pinutol.

"Kung magagalit man s'ya, titiyakin kong hindi sayo, kundi sa akin. Kaya pumunta muna tayo sa malapit na padalahan." Nagdadalawang isip ito at pabalik balik ang tingin sakin at sa kalsada.

"S-sige ho.." aniya. Ngumiti ako at sumandal na ulit.

"Kaya ho siguro kayo nagustuhan ni Sir dahil may matapang kayo na aura." kumunot ang noo ko ng sabihin n'ya iyon.

"Gusto? Nagkakamali ka, May magiging asawa na s'ya hindi ba?" Sagot ko.

"Fiancée? Wala ho maam." Kumunot ang Noo ko

"Amara Thrindell?" Bigla naman itong natawa.

"Naku, san nyo naman ho nahagilap 'yan? 2015 pa ho yan maam, Si Ms. Amara, Kababata ni Sir pinalabas na sila, pero Kasal na ho yan si Ms. Amara, kay Oliver Zaviano." nanlaki ang mata ko. Edi wala pala?

"Sigurado ka? Baka naman.." Natawa ulit ito at huminto dahil may naka Red na ang Traffic Light.

"Ako pa maam, ang hindi sigurado? Single na single ho yan si Sir." aniya, ngumuso ako.

"Pero, Emric.. Pwede ba ako magtanong?" Tumango ito at umandar na ulit ang sasakyan.

"Totoo ba yung Del Mueva Accident Issue?" Sabi ko agad syang napatingin sa akin ngunit binaling din ang sarili sa daan

"Pasensya na.." Tumango ito at nagsalita.

"Sa totoo lang ho, bago palang ako sa trabaho nato, Mag tatatlong taon, Natanggap ho ako pagkatapos ng Issue nila."Kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.

"Kung nanonood ka ng balita ma'am, baka sakaling alam mo 'yong Issue sa kongreso na lima ang inarestong mga nakaupo?" Napaisip ako, Noong 2017?
Tumango ako, Ang alam ko yung mga limang nasa pwesto ay napatanggal.

"Isa sa mga staff ng kompanya nila ay trinaydor sila, Malakas ang kompanya nila Sir, e. Si Mrs. Del Mueva, namatay sa isang Accident pero lumabas na yung limang buwaya na 'yon sa kongreso ay isa sa mga nag pautos non." Napalunok ako, kung ganoon ang nabasa namin ni Keila noon ay hindi aksidente, bagkus ay isang Set up?

"bakit daw?" Tanong ko

"Tungkol sa Kompanya ang alitan kaya nauwi sa Trahedya, kaya hindi ko masisisi si Mr. Del Mueva, ginawa ang lahat para mapa imbestigahan, Naging marahas sa loob ng tatlong taon." Napatango ako.

Sinful Acts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon