Sinful Act 7

2.8K 18 5
                                    

Sin 7
-

Aaminin ko, magugustuhan ko ang sinabi n'ya kung pwedeng maging katulong lang ako pero ang mga kalaswaan, hindi ako payag, last time i checked, gagawin ko ang lahat para umayos ang buhay ko at ng pamilya ko pero ang magbenta ng katawan ay hinding hindi ko gagawin.

Agad namang natawa si keila sa nakitang papeles at narinig n'ya sa akin.

"Ay naku! Sa mga telenovela lang nangyayari ang mga ganto!" Nagkibit balikat ako sa sinabi n'ya

"Pero mukhang nangyayari rin sa totoong buhay!" Natatawa n'ya pang pahabol na para ba akong inaasar.

"Seryoso! Keila!" Nang mapansin n'ya ang pagkainis sa boses ko agad n'yang inayos ang sarili at nagsalita.

"Hindi ko rin alam! Pero ano ba ang balak mo?" Huminga ako ng malalim at tinignan ang papeles na ipinakita ko sakanya.

"Pero kung titignan mo kasi sa ibang anggulo maganda din. Makakapag ipon ka, ang masama lang don ay magpapaalipin ka r'yan sa lalaki na 'yan"kinagat ko ang labi sa sinabi n'ya. Totoo nga 'yon, siguro ang maganda lang doon ay may pera kang matatanggap.

Pero para ko ng binenta ang sarili ko hindi ba?

"May punto ka naman doon, pero.." Huminga ako ng malalim

"May saltik ata 'yon sa utak, keila, baka mamaya.."

"Ang gwapo naman palang may saltik sa utak!" Nanliit ang mga mata ko, S'ya gwapo?

"Saan banda?" Tumawa sya

"Asus! Kilala kita lara, alam kong nagwagwapuhan ka sakanya, kahit onti!" Umirap ako at nagsalita

"Nung unang kita ko sakan--"

"So! Kahit na nagwapuhan ka parin!" Umirap ako

"Bahala ka!"

Kinuha ko ang cellphone na nasa mini table at nang saktong pag bukas ay nakakita ako ng mensahe galing sa 'di ko alam na numero.

09****

Hey! Good Noon.

Agad na kumunot ang noo ko.

"Oh bakit?" Tinignan ko si kaela ng panandalian lang at bumaling na ulit sa mensaheng natanggap.

Lara:

Sino to?

ilang segundo ay sumagot din.

09****

It's nathan :)

09****

Got your number from hugo.

"Si nathan.." Bago ko ma- isagot kay keila.

"nathan?" Aniya at nanliit ang mga mata at para bang nang aasar.

"Nakilala ko sa bar, kahapon inaya pa akong kumain, kaso nga lang itong lintik na tarantadong Del Mueva nato masyadong papansin" tumawa s'ya sa narinig

09****

Free kaba? I would love to eat lunch with you.

Napatingin ako sa nabasa.

Lara:

Pasensya na nga pala kahapon, may emergency lang, pero baka maabala pa kita kung mag lu-lunch ka kasama ako.

Tinignan ko muna ang mansahe bago sinend. Huminga ako ng malalim habang sinasave ang number ni nathan sa aking contacts.

Nathan:

Bat mo naman ako maaabala? Hindi ba dapat ikaw ang maaabala ko?

Lara:

Sigurado kaba? Uhm.. Pwede bang isama ang kaibigan ko?

Ilang minuto rin ay nagreply ito.

Nathan:

Yeah sure, I'll fetch you up.

"Inaya ak ni nathan mag lunch, gusto mo ba sumama?" Sabi ko kay kaela

"Tatanggi paba ako? Aba syempre, para makilala ko rin 'yang bago mo" inirapan ko s'ya.

"Loka, magbihis kana, tinext ko kay nathan ang address ng apartment natin." Tumango s'ya at tumayo na upang dumiretso sa kwarto nya.

-

"Salamat nga pala sa pag imbita, nathan, at pasensya na sa nangyari nung nakaraan." Sabi ko kay nathan ng magkita kami kasama si keila.

"It's Alright!"Sagot nya

"At oonga pala, Ito nga pala si Keila"

"Hi!" maligalig na pagbati ni Keila kay nathan.

"Hi Keila, Nathan," aniya at nakipag kamayan dito.

"so saan tayo kakain?" Napatingin ako kay kaela at tinignan s'ya ng masama.

Agad namang natawa si nathan.

"Kung saan n'yo gusto.." Aniya

"nako, ikaw na kung saa--"

"sa Korean Barberque tayo kumain! Tiyak na masarap doon" agad kong mahinang pinalo si keila

"Ano kaba!" Ngumuso s'ya

"nah, my treat, kung saan gusto ng kaibigan mo sige, don na tayo" tumango nalang ako.

Habang nasa kainan na ay nag paalam si nathan na s'yang pupunta raw ng cr.

"Ano kaba, Keila, ayusin mo naman ang kilos mo" Sabi ko sabay irap sakanya

"Ano kaba, mukha namang comfortable iyong si nathan!" Magsasalita pa sana ako ng may lumapit sa aming waiter.

"Iced Tea pa ho, maam?" Tanong nito sa amin, magsasalita sana ako upang sabihin na wag na ngunit nagsalita kaagad si keila.

"Opo" huminga ako ng malalim at napailing nalang sa inakto n'ya

Nang makabalik na si nathan ay nagsimula na rin kaming mag usap.

"So sa bar ka talaga nag ta-trabaho?" tanong nito sakin, agad ako na tumango.

"Oo, pero hindi bilang escort, o dancer, waitress ako ron, tyaka kailangan kumayod, si Keila ang nag rekomenda non sa akin, ayoko naman sirain yung opportunity dahil naghahanap narin ako non ng trabaho" sagot ko, napatango naman sya doon at mukhang sang ayon naman sa sinabi ko.

"Ikaw ba? Anong trabaho mo? O nagtatrabaho kaba? Anak kaba ng mayaman?" Napatingin ako kay keila at umiling

Tumawa naman ng mahina si nathan

"Nagtatrabaho ako para sa kompanya ng father ko.." Aniya, tumango kami.

Natapos ang  mahabang kwentuhan ng natapos na rin kumain si keila. Kaya naman napag pasyahan namin na umuwi na.

"Salamat nga pala sa pagpapakain sa amin" sabi ko at kumaway naman sakanya si keila.

"Walang anuman, pero pwede ko kayong ihatid..kung gusto nyo.." Agad akong umiling

"nako nakakahiya na, sinundo mo na kami kanina at nilibre mo na nga kami tapos idadrive mo pa kami pabalik" Sabi ko

"Sige, traffic na din naman lara, matatagalan din tayo sa pag uwi" Sabat ni kaela.

Huminga ako ng malalim at wala ng nagawa upang pumayag.

"Salamat sa pag hatid.." Sabi ko ng makababa na sa kotse ni nathan

"Salamat, nathan!, sa susunod ulit" nanliit ang mata ko sa sinabi nya. Ang babae rin na 'to!

"No worries!" aniya at humarurot na paalis.

-

Sinful Acts Where stories live. Discover now