Sinful Act 6

3.3K 21 3
                                    

Chapter Six
WARNING: STRONG LANGUAGE IN USE!

-

"Nathan, pasensya na, siguro sa susunod nalang!" Pahabol ko at tumakbo papunta sa parking lot.

Naiwan ko si nathan na nakatayo sa gitna ng daanan at sa dami ng taong nakapaligid sakanya.

Mabilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundong 'yon, feel ko sasabog ako at hindi ko maintindihan kung ano tong nararamdaman na to.

Nang makarating sa parking lot ay, agad na nagpalingon lingon ako hanggang sa makita ko kung saan s'ya papunta.

May kasama syang isang lalaki at parehas silang sumakay sa tig iisang kotse.

Napatakbo agad ako ng mabilis papunta roon.

"Teka lang! Teka!" Sigaw ko, naduling ata ang mata ko sa nangyari. Handa ng umalis ang kotse. Ngunit ang isa ay hindi pa.

Ngunit mas kampante akong ang paalis pa lamang na lalaki ang kumuha ng I.D ko!

"Teka!" Sigaw ko ng malakas, ngunit wala parin.

Nang tuluyan ng makaalis ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaupo sa sahig. Nararamdaman ko ang pag agos ng mga pawis, at ang luhang namumuo sa mga mata ko.

Tangina naman! Ganito ba ang karma ko?

Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko, sa dinarami rami ng pagkakataon bakit kung kailan mahuhuli ko na tyaka pa nakawala.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit, kaya naman napahawak ako don. Siguro dahil sa bilis ng tinakbo.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Napatigil ako, at napatayo ng may magsalita sa likod ko.

Nakalimutan ko palang dalawang kotse yon.

Nang lumingon ako ay naestatwa ako.

Ngumisi s'ya ng nakakaloko.

"Did I fool you?" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga katagang sinabi nya basta ang alam ko lang ay susugurin ko na sya.

Ngunit bago ko pa man 'yon magawa ay nagsalita sya.

"Go ahead, hindi mo makukuha ang I.D mo" Mariin nyang sabi.

"akin na ang I.D ko! Ibalik mo! Mukha ba akong magnanakaw? May nawala ba sayo? Diba wala!" Sigaw ko, ngumisi ulit sya. Baliw na ata to.

"Come with me.. Ibibigay ko ang I.D mo, only if you join me." Kumunot ang noo ko.

"Saan naman?"

"Lunch." Huminga ako ng malalim

"H-hindi pwede!"

"Edi hindi mo rin makukuha." Huminga ulit ako ng malalim. Seriously? Ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito?

"Fine!"sagot ko.

-

Habang nasa kotse ay hindi ko mapigilan na magsalita.

Sinful Acts Where stories live. Discover now