Sinful Act 3

6.2K 33 1
                                    

Sin 3

Aaminin ko hindi naging madali ang pagtatrabaho sa beerhouse na 'yon, ang tanging reklamo ko lang naman ay ang kabastusan ng mga customer, ngunit katulad nga ng sabi ni vaness mas maganda kung huwag ng pansinin pero minsan talaga hindi mo maiiwasan na sumagot lalo na kung nababastos kana talaga.

"Lara! Lara!" Napatigil ako sa pag lalakad ng may tumawag sakin, agad akong napalingon, si dos ang isa ko pang kasamahan na ngayon ay may dala dalang tray na puro vodka ang nakapatong.

"Oh?" Dahan dahan akong naglakad papunta sa counter, kung saan ang side ni tonio, nilapag ko muna ang tray na hawak roon

"Pwede bang ikaw muna ang magdala nito sa Vip room? Number 9.." Agad akong napatigil, hindi pa ako nakakapasok sa vip room o nakakapag serve.

"H-ha?" Tanging naisagot ko

"Please..ako na muna d'yan sayo palit tayo, may importante kasi akong tao na kikitain sa table mo, promise sasabihin ko naman kay vaness.."sasagot pa sana ako ng kuhanin n'ya na ang tray na nilapag ko at agad na naglakad paalis.

"Hayaan mo na yon si dos, ganyan talaga yan" sumimangot ako

"Salamat, sige tonio punta muna ako" tumango sya at ngumiti sa akin

Agad kong kinuha ang tray na may vodka at nagtungo sa vip room

-
Sa itaas ang kanilang mga vip rooms, tahimik at may bouncer lagi sa pinto kaya feel ko safe naman ako kung sakaling bastusin man ang ma encounter ko, lalo na't first time ko mag serve sa ganito.

"Hi kuya pablo, serve ko lang to"

"Sige, kung may mangyari man sigaw kalang ako na bahala.." Ngumiti ako at dahan dahang pumasok na sa Silid.

"Haha gago! Si Red Cassius pa ginago mo bro!"

Dahan dahan akong pumasok, marahan at walang ingay, nakayuko habang hawak hawak ang tray na may vodka.

"Oh eto na pala!" Dahan dahan kong inangat ang ulo ng makita ang isang anino sa harap ko.

"Thanks, ikaw ba yung server?" Tanong sa akin ng lalaki sa harap ko
Tumango ako at nilagpasan sya, parang gusto ko lang.

Dahan dahan akong nag angat ng tingin sakanila lahat

Lima sila at halatang mga mayayaman dahil narin sa suot at ang mukha nilang halatang hindi pa nakaranas ng kahirapan.

"Haha bro! Nilagpasan kalang kawawa!" Napatingin ako sa lalaking naka blue ang suot at nagmukhang sabog dahil na sa magulo nyang buhok.

"Sexy ng server natin! Ano name mo?" Hindi ko na pinansin ang lalaking nagsalita at naglakad palapit sa pintuan

"Hep hep!" Natigil ako ng humarang sa pintuan ang lalaking nagsabi ng kabastusan sakin.

"Excuse me lang po.." Sabi ko ng mahina at susubukan sanang hawakan ang doorknob ng harangan din nya 'yon

"Oy gago, Ziggy!" Hindi ko na nilingon kung sino man 'yong sumigaw

Basta't nararamdaman ko lang talaga ay pagkabastos, ngumingisi ngisi pa ito sa harap ko

"Excuse me po.." Ulit ko ulit

"Name mo muna, miss server" natatawang sabi n'ya

"Tangina naman oh.." Bulong ko

Agad kong inalis ang kamay niya sa doorknob at bubuksan na sana ng hinarangan nya na talaga ako

"Oy ziggy! Gago!"

"hindi ka makaintindi?" sa ngayon ay naiinis na talaga ako at handa ng suntukin sya ng may magsalita

"Get your fucking hands off her, zig." Sa ganon ay hindi ko na napigilan at napalingon sa nagsalita

Naka dark red s'ya na polo at naka pantalon na itim, ang kanyang buhok na maalon ay ang dahilan kung bat sya mistulang nagmukhang hari ng kapusukan.

"Ziggy! Dali na gago, mapapaalis pa tayo rito!"

"Chill! Chill, i was just joking, men." Dali dali syang umalis sa harap ng pintuan, ngunit bago 'yon nag sorry sya

"Sorry, miss.." Bulong n'ya at umalis na

Hindi na ako kumibo at lumabas na.

Eto ang mahihirap sa mayayaman, hindi porke may pera sila ay pwede na nila makuha ang mga katulad naming ganito.

Ng makalabas na ako ay nagtaka si kuya pablo, kung bat daw ako matagal sa loob.

"Wala naman po kuya, nagbigay lang ng tip, mababait e" tumango s'ya, akala nya raw ay baka may nangyaring masama sa akin.

Pero parang ganon narin.

Nang makalabas na ako at dumiretso sa staff room, kung saan ang ang room at ang mga locker namin.

"Pasensya na Jillian, ayoko sanang alisin ka pero buntis ka, hindi ba't sinabi ko, sasayaw ka lang, pumayag ka, pero hindi kita pinilit, pero bakit ka nagpabuntis?" Natigil ako sa narinig, agad akong nakita ni sally at hinila.

"Anong nangyayari?" Bulong ko

"Si jillian, nalaman na buntis, nag-pa anak pala sa mga customer natin" bulong niya, tinignan ko si jillian na punong puno ng luha.

"Manager please! Ayoko matanggal, kung pwede ipalaglag ko nalang 'to gagawin ko! Wag n'yo lang ako tanggalin!" Hindi ko napigilang mainis, ipalalaglag mo 'yong bata na wala namang kasalanan?

"Nahihibang kaba jillian?! ipalalaglag mo 'yang bata para rito?! Hindi ko sinasabi na ganyan ang gawin mo! Palabasin mo yang anak mo at palakihin mo! Pwede ka bumalik dito kung napalaki mo nayan!"

Pumasok naman ang isa sa mga dancer naming si megan at nagsalita ng mahina, sakto lang para marinig namin.

"Ganyan talaga pag kalandian ang inuuna, minsan kasi gumamit ng condom.." Natawa naman ang kasama nyang si pamela, hindi na namin sila pinansin.

Sa huli ay pinabayaan narin namin, tinanggal na muna ni vaness si jillian para maging maayos ang panganganak n'ya.

Minsan talaga pag usapang pera, itataya ang lahat.

-

Sinful Acts Where stories live. Discover now