Sinful Act 12

2K 17 1
                                    

Chapter Twelve
Like
-

Tulala ako, Natatawa sa isip dahil sa nangyari.

Narealized na parang ang labo at hindi katotohanan ang lahat. Ako? Katabi ang isang lalaking babayaran ako para sa tawag ng laman?

Ngayon ay parehas kaming nasa King Sized Bed, Katabi ko s'ya at tulog ngayon. Nakatagilid at mahimbing ang tulog.

Napapikit ako at napaiyak. pinipigilang  Humagulgol. Sobrang sakit sa pakiramdam. Sobra akong nandidiri sa sarili ko.

Bakit kailangan humantong sa ganito? Ganito naba ako kadesperada? ganito naba?

Napapikit ako ng maramdaman ko ang kirot. Gusto ko mang tumayo para maglinis ay hindi ko magawa. Sobrang sakit ng katawan ko.

4:30 na ng umaga, pero ako ito ngayon. Gising na gising.

Pumikit ako saglit bago idilat ang mata. Minsan na akong nagkasala pero hindi ko alam na may mas bibigat pa.

Kung inisip ko lang ang mga desisyon at mga aksyon na ginawa ko. Kung mas naging wais lang sana ako.

Napahawak ako sa aking bibig. Kanina pa ako umiiyak. Patigil tigil ang mga luhang bumubulwak. Pera kapalit ang Dignidad?

Agad akong napatigil ng gumalaw ang katabi ko.

Agad akong nabuhayan at pinunasan ang mga luha.

"Don't worry. I just need your bank Account. Ipapa-transfer ko rin agad ang pera." Aniya na ikinagulat ko. Dahan dahan syang bumangon ngunit nakaupo pa rin sa kama.

Ang kanyang baritonong boses ay ang bumuhay sa akin. Kanina paba s'ya gising? Namula ako. Baka narinig n'ya ang mga hikbi ko.

Hindi ako umimik.

"Are you hungry?" Aniya at tumayo. Nakaboxer s'ya. Ang kanyang biceps ay kitang kita. Pumikit ako pilit na kinakalimutan ang mga ginawa namin kagabi.

"Lara.." Aniya. Ngunit hindi ako umimik.

"Fine. Wag mo ako pansinin. Pero, kakain tayo rito." Aniya. Natigilan ako.

"Aalis na ako!" Bigla kong salita.

Lumingon s'ya sa akin. Nasa Study Table s'ya at hawak hawak ang kaniyang phone. Umiwas ako ng tingin.

"No, You should at least eat something." Sagot nya.

"Ayoko nga sabi! Aalis na ako! Mag ayos kana. Nakakahiya naman kasi sayo kung mas mauuna ako!" Pabalang kong sabi.

"Whatever. Kakain pa rin tayo rito." Sagot n'ya at Sumulyap s'ya sa akin, sabay baba sa aking katawan. Inangat ko ang comforter at siniguradong hindi mapapansin ang dibdib ko.

"Basta, Aalis na ako." Nagtama ang aming mata. Agad akong umiwas.

Napatigil ako ng lumapit sya sa akin.

"Ganyan kaba ka-atat sa pera?" Bulong n'ya. Biglang kumulo ang dugo ko. Akmang sasampalin na s'ya ng mismong nahawakan nya ang kamay ko. Agad akong nagsalita

"Wala akong paki! Kung sa tutuusin lang kaya ko namang mabuhay! Hindi ko kailangan ng pera mo! Pinilit mo lang naman ako! Nakakatawa nga kasi naloko mo ako! Naibigay ko yung sarili ko kapalit ng pera mo!" Ngumisi s'ya.

"But you enjoyed.." Bulong n'ya at Tumitig sa labi ko.

"Hindi--"

"And begged for more.." Uminit ang pisngi ko. Huli na ng dampian n'ya ako ng balik sa labi.

"See?" aniya. Umiwas ako ng tingin. Mahina s'yang tumawa at hinalikan ulit ako.

"Hindi mo manlang ako pinipigilan, pero nag rereklamo ka." Mas lalong uminit ang pisngi ko.

"Oo na! Dito na ako kakain!" Tumawa s'ya at umalis na sa harap ko.

Natatawa s'yang umalis sa harapan ko. Ang aming bedsheet ay malinis na ulit, kumpara kagabi. Nakailan kami at dun n'ya napag pasyahan na papalitan ang aming bedsheet.

"Bakit mo ba kasi ginagawa to?" Pagsisimula ko. Agad s'yang napatingin sa akin at agad ding bumaling sa pinagkakaabalahan n'ya.

"Ganyan ba ang ginagawa mo sa mga babae mo? Kung hindi mo sila makuha, bibilhin mo?" Dugtong ko pa.

"Like what I've said.. Ikaw lamang ang babaeng tumanggi sa offer ko." Kumunot ang noo ko. Inirapan ko s'ya.

"That's why, I like you." Aniya pa. Napatahimik ako. Naramdaman ko ang pagbago ng hangin. Kinagat ko ang ibabang labi.

Ilang saglit pa ay kumuha s'ya ng sigarilyo at naglakad patungo sa balcony ng hotel.

"Take a shower first." Aniya. Pinanood ko s'ya habang papunta sa balcony ng hotel. Hawak ang sigarilyo nito.

Kinagat ko ang labi. Tumango. Dahan dahan ay tumayo ako pilit na Iniinda ang sakit.

Dala dala ang Comforter kahit na malaki, Yun ang nagsilbing pantakip sa akin. Nilapag ko iyon sa baba ng marating ang banyo.

Kinagat ko ang labi habang dinadama ang mainit-init na tubig mula sa shower. Hindi ko maintindihan ang sarili.

Hinawakan ko ang aking katawan. Dinadama ang init na dala ng tubig. Nang magsituluan nanaman ang mga luha ko. Ngumiti ako ng mapait...

Para akong taya ng taya sa lotto at hindi manlang manalo-nalo. Nangako ako sa aking sarili na lalayo ako sa kahit anong gulo, patibong o kahit ano na pwede sumira ng buhay ko. Pili ako ng pili ng mga desisyon na satingin ko ay tama. Pero bakit ganon? Kahit na anong pag tatama ko, kahit na anong subok ko, laging ganito. Lagi pa rin akong nahuhulog sa patibong, sa bangin na wala na ata akong aakyatin pa.

Sinful Acts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon