Sinful Act 2

8.8K 36 11
                                    

Warning: Strong language in use.

Habang abala ako sa pag hahanap ng makikitaan ay napatigil ako ng magsalita si keila

"Minsan talaga ang mga tsismosa.." Napatingin ako kay keila na nagsusulat ng mga bayarin sa papel.

"Huh?"

"Alam mo 'yang si Aling Filva? Aba sinugod ako ng matanda na 'yon sa trabaho! Kausap ko pa non ang boss namin!" Sagot niya

"Bakit ka raw sinugod?"tanong ko sa sagot n'ya

"Sinabihan ba nama ako ng bayarin! At nagpapagamit daw sa anak n'yang gasul!" Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi iba rin kasi ang ganda nitong si keila.

"Ano? Seryoso ka r'yan?"

"Oo! At kung natatandaan mo 'yong araw na nakalimutan ko yung pitaka ko sa trabaho nung natempyuhan ko yung anak n'ya, kusa akong sinakay sa motor, at etong anak n'ya binigyan ng malisya ang pag sakay ko sa motor n'yang bulok!"

Sa sinabi n'ya ay hindi ko na napigilan at napatawa nalang ako ng kaunti

"Oh natawa kapa.."nag piece sign naman ako sa inakto

"Pasensya naman, nakakatawa lang kasi talaga ang mga ganyang kwento, pero ano naging reaksyon ng boss mo?" Tanong ko sakanya

"Walang imik, pero for sure kung ano ano na ang iniisip non!" May pagkadismaya sakanyang boses.

"Hay nako isipin mo nalang labas ang trabaho mo d'yan sa ginawang eskandalo ni aling filva..." Huminga naman s'ya ng malalim tumango

"Sana nga.."

Tumagal ng ilang minuto ang tahimik na usapan ng magsalita s'ya

"Oonga pala sabi nung kaibigan na manager ko pwede kana magsimula ngayon.."

Halos matuwa ako sa sinabi nya

"Talaga? Saan bang beerhouse 'yan?"tanong ko

"Itetext ko 'yong address sa'yo mamaya pa namang gabi ang simula mo e" tumango ako

Kilaunan maagang umalis si keila dahil sa dahilang magdadate raw sila ng kan'yang amerikanong kasintahan.

Naiwan ako pero okay na rin siguro para makapag handa na mamaya papunta sa bagong pagtatrabahuhan ko.

Keila
+6395*********

Push and Pull
Vergara Main street,
Brgy. Baleño

Read 6:18PM

Tinignan ko ang ayos ng buhok ko at ang suot na itim na polo at pantalon, okay naman na ito siguro.

May oras pa naman akong mag ligpit kahit kaunti lang tutal may oras pa naman ako.

-

Halos maestatwa ako sa sobrang laki ng beerhouse, halatang pang mayaman

Mukhang malaki ang kikitain ko rito.

"Ikaw naba yung sinasabi ni keila?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

Agad akong napaharap at tinignan kung sino, isang babaeng nakaputi at mukhang ito na yung sinasabi ni keila na manager.

"A-ah ako nga po.." Sagot ko bigla

Agad kong inabot ang resume na hawak ko at binigay sakan'ya, kinuha naman n'ya yon At tinignan ng mabilisan sabay balik sa akin.

"Okay na 'yan" kumunot ang noo ko, binasa n'ya ba talaga?

"Mag serve kalang ng drinks at huwag mong pansinin kung may mag salita man sa'yong hindi maganda" hindi ako kumibo

"Alam ko naman 'yon, dati rin akong waitress kaya okay na okay ako ron" tumango s'ya at nagpakilala

"Vaness nga pala, pero Ness nalang ang itawag mo" ngumiti ako

"Lara.." Ngumiti rin s'ya at inayayaan ako na pumasok na raw at maglagay lang ng isang apron nila na may tatak ng bar.

"Eto si Tonio ang isa sa mga bartenders natin" Tumingin ako kay tonio, kumindat ito kaya naman ngumiti ako, Naglahad sya ng kamay

"Lara nga pala.."Ngumiti sya at tumango

"At yung iba naman nating mga bartenders ay nasa kabilang side, halika.." Sumunod ako kay Vaness

"Eto si Lukas, Hugo, at si patrick, sila naman ang nasa side nato.." Katulad din ng kay tonio nakipag kamayan din sila

"Magandang gabi lara.."Napatingin ako kay patrick na ngumingisi

"Mas maganda pa si lara sa gabi!" Pakikisali naman ni hugo

Agad naman akong natawa

"Salamat, magandang gabi rin sainyo" sagot ko

"Hay nako huwag n'yong lalandiin itong si lara" tumawa naman sila

"Selos agad si manager! May lukas ka naman" nakitawa narin ako ng tumawa si vaness, agad akong napatingin kay lukas na walang kibo.

"Oh sya.. Pakikilala kita sa mga bouncer natin, marami-rami sila dahil may mga private rooms pa ta'yo sa taas at baba, hahayaan nalang kita kung gusto mo sila makilala, pero itong nandirito pakikilala kita.." Tumango naman ako kay vaness at sumunod

Mabuti narin siguro ito para may makausap din siguro ako.

"Eto si Kuya Peter at kuya Jiko" ngumiti ako sa dalawang nakatayo sa pintuan, ngiti lang din ang naiganti sa akin.

"Lara nga po pala" tumango ulit sila at ngumiti, pagkatapos ay niyaya ako na bumalik ni vaness sa side ni tonio

"Tonio, isang Margarita at Cosmopolitan para sa table 12" Narinig ko na sinabi ng isang babae na mukhang waitress din katulad ko.

"Oh sally!" Agad na sinalubong ni vaness ang babae

"Manager! Magandang gabi" ngumiti si vaness, lumipat naman bigla ang tingin ng babae sakin.

"Sally eto nga pala si lara, bago natin" ngumiti si sally at lumapit sa akin

"Hi lara, sally nga pala" ngumiti ako at kinamayan siya

"Lara ulit.."ngumiti s'ya At nagsalita

"Sige!" At agad na bumalik papunta kay tonio

"Antagal mo naman"

"Nagreklamo pa"

Tumingin ako kay vaness ang manager ng kalabitin niya ako

"Oh sya maiwan na kita, may mga kakausapin pa ako sa private rooms, mga bigtime, kausapin mo nalang si tonio pag may kailangan ka" tumango ako kay vaness.

Nakauwi ako ng alas nwebe ng gabi, at nadatnan si keila na mahimbing ang tulog

Maganda ang nangyari ngayong araw, bukod sa mababait ang mga staff, namimigay pa ng tip ang mga customer, kaya naman siguro malaki ang bar na'to.

---

Sinful Acts Where stories live. Discover now