Sinful Act 5

4.6K 23 3
                                    

Chapter Five
Lunch

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ng makarating ako sa bahay, halos magpanic kami ni keila at magtalo dahil sa katangahan ko.

"San mo ba kasi iniwan?!" Tanong nya sa akin.

"Hindi ko alam! Basta hindi ko 'yon nilabas at kung ano pa, keila please! Hanapin natin mahalaga 'yong id nayon. Pag wala 'yon pano na ako?" Huminga s'ya ng malalim at nagsalita

"Imposibleng nandito 'yon, hindi mo ba naiwan o baka naman nanakawan ka ng hindi mo alam?" Nagkibit balikat ako.

"N-nung gabing may nakita akong lalaki at akala magnanakaw ako, pero pinaalis din agad ako, napansin kong bukas ang bag ko." kinagat ko ang labi sa naisip.

Hindi kaya?

Nagkatinginan kami ni keila

"Hay nako! Lara!" Huminga ako ng malalim, pwedeng nasa isip non ay talagang ninakawan ko sya, baka kaya ako pinapasok sa kotse nya?

"Kailangan ko makita ang lalaki na 'yon at kuhanin ang I.D ko!" nag aalinlangan kong sabi.

"Pero pano?" Tanong nya.

Tumingin ako sakanya ulit at nagsalita." Pamilyar s'ya sa akin kaela, kaya pwedeng bumalik 'yon sa bar, ang nasa isip ko ay pwedeng s'ya 'yong naserve-an ko sa vip room. Kung hindi ako nagkakamali, s'ya 'yong taong pumigil sa kaibigan n'ya na muntik akong pagtripan." Sabi ko ng diretso sakanya.

"Ano ng plano mo?" Tinignan ko ng mariin si keila.

"Hindi ko alam, basta kung ano man ang pumasok sa utak ko sure akong gagawin ko"Huminga ako ng malalim at tinignan ulit siya.

-

"Magandang gabi, lara"

"Magandang gabi, hugo, at tonio." Sagot ko sakanilang dalawa bago pumasok sa locker room namin.

Nang makapasok ay sakto naabutan ko si sally na nagpapalit pa lamang.

"Magandang gabi, sally." Napatingin s'ya at agad na umurong palayo sakin.

"Ay! Ginulat mo ako." Tumawa naman ako ng mahina.

"Ganon ba?"

"Pero magandang gabi rin!" Sagot n'ya. Ngumiti ako at agad na pumunta sa aking locker.

Nang magpaalam na si sally na lalabas na sya, ay agad akong sumabay narin, dahil ang totoo n'yan hinintay ko lang s'ya matapos, dahil okay naman na ako, kailangan ko lang talaga magpalit.

-

"Lara pa serve naman 'to sa table 14"

"Sige, salamat" sagot ko kay tonio at pumunta na.

Nang makabalik na sa counter ay agad kong tinanong si tonio, baka mauna pa akong mamatay sa pagkaka nais na makita at makuha ang ID ko roon sa lalaking 'yon.

"Tonio pwede ba akong mag-serve sa Vip room?" Sabi ko habang nag ha-halo s'ya ng mga inumin.

"Hindi ko alam, pasensya na pero sila dos at sally minsan ang laging nag se-serve sa Vip room." Sagot n'ya.

Sinful Acts Where stories live. Discover now