Sinful Act 4

5.1K 29 5
                                    

Chapter four

WARNING: STRONG WORDS IN USE.
SPG!

-
Sa isang buwan kong pag ta-trabaho rito ay naging maganda, ang kinapangit lamang ay ang mga bastos na customer, ngunit sa kabila noon, naging maayos lahat, nagkaroon ako ng kaibigan dito sa bar, at mga customer na kaibigan narin.

Aaminado naman ako na minsan may mga oras na ayoko magtrabaho dahil sa mga tao rito pero tumatak sa isip ko na, pinasok ko 'to kaya dapat panindigan ko, at para narin sa pamilya ko.

"Lara! Paki- serve naman to sa Vip room 12" napatingin ako kay tonio na nagsalita, wala ngayon si dos kaya naman kaming dalawa muna ni tonio ang nagtutulungan

"Sige pakiiwan muna, i seserve ko lang ito sa table 2" sagot ko at hindi na nag dalawang isip na pumunta sa table 2.

"Hello sir, Mimosa, and White Russian for the two of you" sabi ko habang nilalapag ang tray sa kanilang table.

"Beautiful!" Ngumiti ako sa pumuri sa akin

Mukhang taga US itong dalawang ito.

"How are you, young lady?" Sabi ng kasama nya.

"I'm fine, sir." Sagot ko

"That's nice! If you don't mind can i get your number?" Biglang tumaas ang kilay ko.

Kalma lang lara. Kalma.

"O--" sasagot pa sana ako ng may isang lalaking sumulpot sa harap.

"No Rhiz, You're not getting her number..bro" Medyo nagulat ako sa pangyayari, isang matangkad na lalaki na naka tuxedo at pants ang sumulpot sa harap ko.

Tumingin ako sa lalaki na yon at nagulat ako ng kindatan n'ya ako.

Ngumiti ako sakanya at tumango at saka umalis

Isa 'yong sign na pinatakas n'ya ako. Napangiti ako sa naisip.

nang makabalik sa counter, nadatnan ko si tonio na nakatingin sa akin.

"Tagal mo" may halong pagrereklamo sa boses n'ya.

"Pasensya na at kinausap pa kasi ako nung mga foreigner doon, alam mo na hindi makatanggi" sabay kibit balikat.

"Pinahatid ko nalang kay paula.." Ngumiti ako kay tonio at tumango.

"Pasensya na ulit.." nag mix ulit s'ya ng drinks habang nakaupo ako at hinihintay s'ya.

Habang naghihintay ay lumapit sa amin si megan, ang isa sa mga dancers.

"Tonio wala bang painom d'yan?" Agad agad na sinabi n'ya at umupo sa isa pang upuan na parang hangin lang ako rito.

"Mamaya, sa isang customer 'to" tinignan ko si megan, ano kayang pakiramdam na sumasayaw ka sa harap ng mga tao? Tinitignan ang katawan mo, ninanais na makuha ka sa pamamagitan ng pera.

"Oh?" Agad akong napabalik sa sistema ko ng magsalita s'ya at nakatingin na sa akin.

"H-ha?"

"Wala naman, baka kasi may kung ano ano kanang iniisip." ngumiti s'ya at agad na tumayo.

Sinful Acts Where stories live. Discover now