Four

1.4K 59 4
                                    

Four

(His POV for Episode 1 and 2 🙈)

Napangiti ako habang nakikita ko si Jane na papalapit saakin.

"Babe, saan tayo kakain?" malambing na utas niya. Maybe tama nang tigilan ko na si Cheska. Tama na ang ilang taong pagiging baliw ko sakanya. Tinitigan ko si Jane na mapayapang kumakain sa harap ko, mamahalin naman kita diba? Katulad ng pagmamahal mo saakin.

Nahuli niya akong nakatingin sakanya, masaya siyang sinubuan ako... Siguro kailangan ko ng iset aside ang mga paano ko sakanya. Ngunit kung kailan handa ka ng kalimutan siya tsaka naman magpaparamdam ang tadhana.

"Rio." rinig kong sambit ni Raiden sa kabilang linya.

Öh" tamad na sagot ko.

"Can we drink mamaya? Binubulabog ako ni Jasper dito sa condo ko. Deal?" seryosong sambit niya.

"Sige." ibababa ko na dapat ang tawag niya nang bigla siyang may pinahabol na sinabi... " Nga pala gusto ko lang ibalita sayo na Nandito na sa Pinas si Cheska" naiwan akong nakatulala sa sinabi niya, narinig ko rin ang pagbaba niya ng tawag.

Napatayo ako sa aking kama. Tinitigan ko si Jane na nakahiga sa kama ko...

No dapat hindi na ako naaapektuhan, i already have Jane now. Hindi ko na siya kailangan.

Napasandal ako sa pader habang nakatingin sa labas ng bintana, niloloko ko na naman ang sarili ko. Paano ko nasasabi na hindi na siya ang laman nito kung kumakabog ng ganito ang dibdib ko. Bigla kong naitulak ang kamay ni Jane ng maramdaman ko siyang humahaplos sa likod ko.

"Why?"gulat na tanong niya.

"I-Ikaw pala yan." binigyan niya ako ng kunot noo. "Bakit may iba ka pa bang kasama sa kwartong ito maliban saakin?"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. "Nananaginip ka na naman siguro" humakbang siya patungo sa kama at isa-isang dinampot ang mga nagkalat naming damit. Bago siya magtungo sa Cr ay inabot niya muna saakin ang damit ko. Samantalang wala ako sa sarili. Pinilit kong pakalmahin ang dibdib ko, hindi parin mawala sa isip ko si Cheska.

Lumabas na ng cr si Jane at nakangiting tumingin saakin.

"Si Raiden ba yung kausap mo kanina?" wala ako sa sariling napatango sa sinabi niya.

"May lakad kayo?" tumango ako...

"Then let me in." aniya kinuha niya ang bag niya na nakapatong sa table katabi ng kama. "Uuna na ako Babe" lumapit siya saakin at hinalikan ako sa labi. Matapos nun ay narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto. Napaupo ako sa kama at napahilamos sa mukha. Hindi ko alam kung magandang balita ba ang sinabi ni Raiden o hindi, hindi matigil ang utak at puso ko.

~*~

Ginawa kong normal ang bawat oras, nagtrabaho ako at sumapit na nga ang gabi, nakita ko na si Jane na nasa tapat na ng office ko.

"Lets go Babe." tumango ako sa sinabi niya. Hinayaan kong hawakan ni Jane ang kamay ko habang binabagtas namin ang Parking Lot, ang dami niyang kwento about sa work niya at ka-trabaho. I meet this amazing woman noong handa ko na siyang kalimutan, it was one year ago. Wala akong ideya kung nasaan na siya noon and this woman gives me comfort when I misses her badly.

Patuloy kong hinawakan ang kamay ni Jane habang papunta kami sa Bar na palagi naming tinatambayan ng buong barkada. Lasing na sila Jel at Jasper ng pumasok kami, wala pa si Raiden. Nang makaupo ako ay iniwan na muna ako ni Jane para kumuha ng maiinom. Hindi kalaunan ay pumasok na sa loob si Raiden.

"Whooo" medyo lasing na sambit ni Jasper.

"Nandito kana pala" sambit ni Jel. Naiwan akong nakatitig kay Raiden habang binigyan siya ng kakaibang tingin.

"Huwag kayong magugulat sa kasama ko." aniya at tsaka ngumisi ng kakaiba.

Lumipas ang minuto at medyo hindi na siya mapalagay. "Nasaan na naman kaya nagpunta yun?" tinawagan niya na ito ngunit hindi ko marinig ang pinaguusapan nila. Matapos niyang ibaba ay tsaka nagbukas ang pinto ng kwarto-

Hindi ko maipaliwanag ang pintig ng puso ko ng makita siya. Na-blanko ang isip ko at hindi ko maialis ang paningin ko sakanya. Binati na siya nila Jasper at Jel pero parang naduwag ako at wala ni kahit anong lumalabas sa isip ko. Mas lalo siyang gumanda. Shit!

Gusto kong tabihan siya ngunit parang nakapako ang pwet ko dahil wala ni kahit salita at galaw na lumalabas sa katawan ko. Pinagmamasdan ko lang siya na nilalaro ni Jasper. Nakaramdam ako ng pagseselos dahil alam kong hindi ko na siya malalapitan katulad noon. Everything about her change, pati personality niya. I wonder anong nangyare sakanya? Nagiba ang tingin ko ng makita ko silang nagkukulitan sa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag pero biglang gumalaw ang kamay ko at pinigilan ko si Cheska sa gagawin niya kay Jel.

Nakita ko ang pagiiba ng reakyson ng mukha niya.

"Stop it, Nagagalit si Jel kapag may gumugulo ng buhok niya" napa-shit ako sa loob loob ko. Ano na bang nangyayare saakin.

Inalok siya ng maiinom nila Jasper pero maagap niya iyong tinanggihan. Why?

Theres really something about her na sobrang laki ng pinagbago, wala na ang malamig na mga mata niya. Para bang ibanalik ang dating Cheskang minahal at nakilala ko. Ano kaya talaga ang nangyare sa U.S at naging ganito siya ulit?

Masyadong natuon ang atensyon ko sakanya kaya pati pagpasok ni Jane ay hindi ko namalayan.

Ipinakilala si Jane ni Jasper sakanya, tinitigan ko ang bawat galaw at kilos niya ngunit ako lang ba ang nakapansin nang pagbabago ng mood niya o dahil sa pangarap ko lang talaga na makita siyang ganito?

Nagumpisa na si Jane sa pagkukwento niya sa nangyare sakanya sa labas, naglalambing narin siya ngunit wala ni kahit ano akong naiintindihan. Gusto kong lingunin si Cheska at titigan lamang ang ipapakita niyang emosyon, ngunit hindi ko magawa. Ayokong saktan si Jane sa simpleng bagay na alam kong masasaktan siya.

Pansin ko ang paglipat niya sa pwesto kung nasaan si Raiden. Hindi ko na siya masyadong makita dahil sa humaharang saaming dalawa.

Nagpaalam na saamin si Raiden, gusto ko sanang sumulyap ngunit nagopen na naman ng panibagong topic si Jane at wala akong magawa kundi ang magkunyareng nakatingin.

Nakita ko na siyang naglakad palayo saamin, palabas sa kwarto na ito ngunit di ko kayang hindi ko man lang siya makita kahit ilang minuto o segundo lang.

She is Cheska out there, at kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, sabihin ko man sa sarili ko na move on na ako, minahal at nandito parin siya hanggang ngayon.

Nagtagpo ang mga mata namin, I dont know pero may nakita ako sa mga mata niya na dapat hindi ko makita. I saw tears in her eyes. Why?

Nakita kong nabangga niya yung waiter at tumapon sa damit niya ang isang baso ng alak, I know mali ito pero automatikong napatayo ang katawan ko. Nakita ko pa ang gulat sa mukha ni Jane dahil sa ginawa ako. Umalis ako sa kwartong iyon at sinundan siya- Nilinga-linga ko ang mga mata ko ngunit wala siya hanggang sa may mabanaag ako na isang babae na naglalakad patungo sa Dance Floor.

Kita ko ang gulat na reaksyon niya dahil sa ginawa ko.

Inalis ko siya sa mataong lugar na iyon at dinala sa labas ng Bar.

"Bulag ka ba? Ni hindi mo man lang nakita na may mababangga kana?" Napapikit ako dahil sa mga sinasabi ko. Eto na naman ako gumagawa na naman ako ng dahilan para lang makasama siya. Shit! Blanko ang nakita kong emosyon sa mukha niua. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang basa sa damit niya ngunit-

Shit. Am I touching her boobs?

Nanlaki ang mata ko ng makita ang taranta niyang mukha saakin. Kinuha niya nang mabilis ang panyo na hawak ko.

"Ako na, Ako na. Thanks tumakbo na siya palayo saakin. Biglang namula ang mukha ko dahil sa nangyare. Nasabunutan ko na din ang sarili ko. Shit. Anong nangyayare saakin. Shit. Shit. Shit.

Vote, Comment

Dating Rio Lhoyd SalazarOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz