Thirty Three

1K 38 6
                                    

Thirty Three

“Mom that was totally awesome.” Hindi ko maitago ang itsura ni Reil habang naglalakad na kami sa Airport. This is her first time riding Airplane. Nakahawak lang siya sa kamay ko, habang nagbo-book ako ng masasakyan namin. Mga ilang minuto ang nakalipas ay bigla ako nakaramdam ng kaba ng maramdaman kong wala na siya sa tabi ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at halos mapaluha ako ng makita ko syang nakatanaw sa malaking screen na TV.

It is Rio.

“Reil, I already told you. Huwag kang kakalas sa akin diba? Alam mo ba kung gaano ako kinabahan ng makita kong wala ka sa tabi ko? Ha!” pinagalitan ko siya.

“I’m sorry Mom…” nagsisimula ng mamuo ang luha sa mata niya. Dali-dali ko nalang niyakap siya at pinatahan para hindi na matuloy ay pagiyak niya.

Tiningnan ko ang screen na tinitingnan niya at napahinga na lamang ng malalim. It’s one of his commercial. Hinigpitan ko na ang pagkakahawak kay Reil habang binabagtas namin ang Office kung nasaan si Dad.

May balak kasi kaming hindi ipaalam since we are planning to surprise him.

Bawat kantong nadaraanan namin ay may mukha niya, bawat kanto rin ay nagkikinangan ang mga mata nitong anak ko dahil nakikita niya ng malaya ang iniidolo niya.

“Mom…” tawag niya ng pansin saakin.

“Yep.”

“Can we meet my idol?” inibahan ko siya ng tingin at umiwas.

“No!” mariing sambit ko.

“Why?”

“Basta No…” pagtatapos ko ng usapan. Bigla siyang natahimik sa sinabi ko at nagmasid na lang sa daan, pinagmasdan ko siya. Hindi naman sa pinagdadamot ko ang katotohanan sakanya but masyado pang bata si Reil para malaman ang lahat. Hindi ko maatim na isipin niya na hindi kami ang pinili ni Rio. When in fact wala naman talagang choices.

Hindi pa siya handa sa lahat ng bagay. Yes, I know na matutuwa siya sa oras na magharap sila dahil sino ba naman ang magaakala na ang iyong ultimate Idol is your father. That is a dream come true if you are an avid fan but not in us, it’s a big no.

Ayokong makitang mawala ang bawat ngiting malayang inilalabas ng anak  ko sa kanyang labi.

I am willing to accept all the pain for her not to hurt.

Bago kami bumaba sa Grab Car, ay inayos ko muna ang ayos ni Reil. Inayos ko din ang sarili ko dahil tiyak akong maraming nakakakilala saamin rito. Nakangiti kamingsinalubong ng receptionist at hindi ito pamilyar saakin.

“Hi Ma’am can I ask if you have an-” bigla siyang siniko ng isa sa kasama niya at nagulat dahil sa sinabi nito. Tiningnan ko lang sila.

“Hi Ma’am sorry for her rudeness, welcome po Ms. Cristobal.” Ani noong isa. Napangiti na lang ako at hinawakan na si Reil.

“Ano ka ba, that’s the daughter of the Chairman. Ms. Cheska Cristobal.” Rinig kong bulong nung isa.

“Really, hindi nga?”

“Ou no. Be mindful, kilala pa namang masungit yan.” Biglang nawala ang ngiti ko nung narinig ko yun. Maybe masungit nga siguro ako noon.

Wala ni isang gustong sumabay saamin sa Elevator, mukhang kumalat na sa buong building ang presence ko. Nagkatinginan lang kami ni Reil habang parehong nakaabang sa floor ni Dad. Inayos niya ang sarili niya sa reflika ng Elevator.

“Did you really miss Dad at kailangan mo pang magayos ng ganyan?” panunukso ko sakanya.

“Yes of course.” Siguradong sagot niya.

Narinig na namin ang pagtunog nang elevator, hudyat na nakarating na kami. Humawak ulit sa kamay ko si Reil habang binabagtas namin ang office ni Dad. Excited na excited ang bawat hakbang niya at bigla akong natigilan ng may mahagip ang mata ko sa Conference Room. Bigla itong nagbukas at tumama ang mukha ko sa pinto.

“M-mom?” kita ko ang reaksyon ng mukha ni Reil habang itinuturo ang ilong kong nagdudugo.

“S-Sorry- Cheska?” Kaagad nanlaki ang mata ko at kinuha ang panyong nasa bag ko. Ipinunas ko ito sa ilong ko.

“J-Jel?” bigla akong napalunok ng makita ko ang presensya niya.

“A-anong ginagawa-“ hindi na natapos ni Jel ang sasabihin niya ng bigla siyang kagatin ni Reil sa kanyang kama.

“That is not the proper way to say sorry to my mother.” Pangaral niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tinuran niya, naiwang nakanganga si Jel at palipat lipat ang tingin saaming dalawa.

Nakataas ang kilay ni Reil habang nakahalukipkip. “Okay I’m sorry; I didn’t mean to hurt your Mom.” Paghingi niya ng paumanhin. Biglang lumipat ang tingin ni Reil saakin.

“Baby, its okay. I am his friend…” hinila ko siya papalapit saakin at ng mahawakan ko na ito ay hindi ko mabasa ang itsura ni Jel habang tinitingnan kami.

“This is Tito Jel, my friend.” Tumingin si Jel saakin. “And Jel, this is Chessy Reil, my daughter.” Pakilala ko skanya.

Masungit na inilahad ni Reil ang kamay niya kaya wala ring magawa si Jel kundi tanggapin iyon.

“You may be friend with my Mom, but not me. I will remember this day.” Masungit na sambit niya rito. Nakita ko ang pag-ngiti ni Jel. Sinamaan ko ng tingin si Reil.

“Reil where is your manner?” napabusangot siya. Hinawi ko na ang kamay kong nakalagay sa aking ilong. Medyo wala na ang pagdudugo.

“Sorry.” Mahinang sambit niya at hindi na ulit tumingin. Napangiti ako ng magtama ang mga tingin naming ni Jel at halatang hindi parin ito makapaniwala sa nakita niya.

“I can’t believe, you already have a daughter? Si-sino napangasawa mo?” Natigilan ako sa sinabi niya.

“W-Wala.” Tipid na sagot ko. Ramdam ko na ang paghila saakin ni Reil kaya nagpaalam na din ako sakanya.

“Sige na, mauuna na ako. Hinihila na ako ni Reil, goona chat with you next time. Thank you and nice to see you again.” Naglakad na kami ni Reil. Naiwan kong maraming tanong si Jel sa isip niya.

Mukhang lumiliit na nga ata ang mundo.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang