Twenty

1.1K 39 0
                                    

Twenty

"Ma." Tawag ko ng pansin kay Mama habang nasa hapag kami.

"Pwede po ba akong matulog sa kubo?" Tanong ko sakanya. Nagkatinginan sila ni Papa dahil sa sinabi ko.

"Bakit? Gusto mo ba doon?" Dahan dahan akong napatango sa tanong niya.

"I just how wonder how beautiful that house right now."

"Kailan mo ba gustong matulog doon?" Kaagad na may gumuhit na ngiti sa labi ko ng magsalita si Papa. Nakuha niya ang atensyon ko.

"Kung kailan po, okay sainyo."

Sinalinan nila ako ng ulam at kanin. "Aayusin namin iyon bukas, magdadala din kami ng generator para sa ilaw mo. Medyo malayo lang iyon sa bahay ah, kaya kapag natakot ka hindi ka namin agad agad mapupuntahan but that place is safe kaya alam kong wala namang masamang mangyayare sayo." Napatango tango ako sa sinabi ni Papa at masiglang kumain. Kanina pa hindi matigil sa pagtunog ang phone ko simula ng magka-signal kaya pinili kong patayin muna ito.

Ako ang nagprisentang magligpit ng pinagkainan para makapag-pahinga sila Mama ng maayos dahil alam kong pagod na pagod ang mga ito sa maghapong pagtatrabaho.

Hindi rin biro ang ginagawa nila, kahit na naka-monitor lang sila sa mga sinasakang bukirin ay nakakapagod padin ng akyat panaog ng bundok at pakikipagdigma sa init ng araw.

Pasado alas otso palang ng gabi pero mga tulog na sila. Nagpaiwan ako sa sala at kumuha ng chip na mangunguya at magisang nanuod ng holywood movie. Hinayaan kong libangin ang sarili ko dahil kapag nanatili lang akong nakatulala sa aking kwarto ay alam kong maguumpisa na naman akong mag-isip.

Hanggat maari ayoko munang magisip ng mga bagay bagay na alam kong pasasakitin lamang ang puso ko.

~*~

Maaga ako nagising kinabukasan dahil sa pang-gigising saakin ni Mama. Ihahatid daw muna nila ako sa Kubo dahil mamimili sila ng kakailangan ko para sa gagawin kong sleepover doon. Medyo inaantok pa ako habang nagliligpit ng mga dadalhin kong gamit. Una sa listahan ko ang camera, bluetooth speaker, libro at kung ano ano pang pwede kong paglibangan sa oras na mamahay ako at hindi makatulog.

Bago tuluyang umalis ay nagtext muna ako doon sa tatlo na wala kaming gala ngayon dahil baka maaga na naman silang magtungo sa bahay para lang sunduin ako.

Katulad ng suot ko nitong mga nakaraang araw ay medyo may kahabaan na ang damit at pang ibaba ko. Nakaalalay padin sila Mama saakin habang papaakyat sa paraisong iyon.

Maaga palang ng makarating kami, nagpaalam kaagad sila saakin upang makapamili ng iba ko pang kailangan. Inayos ko sa loob ng kubo ang mga bitbit ko at tsaka nagpahinga.

Katulad kahapon ay naaaliw na kaagad ako sa kagandahang binibigay saakin ng paligid. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa bawat huni ng ibon na animoy musika na saking pandinig, ang bawat paglaglag ng dahon na akala moy tiglagas at ang sinag nang araw na mas lalong nagbibigay buhay ng paligid.

This is the place that I want to rest well.

Para bang nawawala ang lahat ng problema ko habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin.

I imagine myself living here, may batang naglalakad sa hindi kalayuan at masaya habang patakbong lumalapit saakin.

Napangiti ako sa thought na iyon. I am in the right age to get married kaya sumasagi na din sa isip ko iyan but the problem is who is he?

I am sure to myself na sana si Rio, pero ang galing maglaro ng tadhana.

Even if I want him now, but the future will be the judge. Who is he?

Napahiga ako at nakatulog. Nagising na lamang ako sa mga ingay ng hakbang ng nga paa, pagtingin ko ay sila Mama na pala. May dala silang napakanipis na kama, bentilador, generator at pagkain.

Incase lang daw na magutom ako. Niyakap ko si Mama ng maupo siya sa tabi ko.

"How I wish na sana buhay pa si Mom ngayon." Bulalas ko sakanya. Tiningnan niya ako at hindi mapigilang lumabas ang luha sa mata niya.

"We are too. Kung buhay sana ang Mom mo, baka hindi ka ganyan ka hina."

"Hindi naman ako mahina Ma." Sagot ko sakanya.

"Mahina ka anak, mahina ito..." itinuro niya saakin ang puso ko.

"Of course, may sakit ako diba?" Seryosong tumingin saakin si Mama at hinaplos haplos ang ulo ko.

"Hindi ito about sa sakit mo. Its about you being in love. Mahina ito." Tumingin ulit siya sa direksyon ng puso ko.

Natahimik ako sa sinabi ni Mama.

"Palagi kang nagdadalawang isip. Kapag pinili mong magmahal, Cheska. Dapat hindi mo pinapakialaman ang sinasabi at mararamdaman ng iba. Sumugal ka, kung alam mo namang dapat siyang sugalan. Tandaan mo, hindi ka mananalo sa isang laban kung hindi ka marunong sumugal." Matapos niyang bitawan ang salitang iyon ay narinig ko na ang pagtawag ni Papa kay Mama.

Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko.

Napahinga ako ng malalim at nagumpisa'ng magpalamon sa mga iniisip ko.

Ilang araw ko na siyang pinapatayan ng cellphone, sa limang araw na pananatili ko rito sa mala-paraisong ito ay halos ganun ko na siya katagal na natitiis. Halos ikinubli ko ang sarili ko sa nagpapaalala saakin saknya kaya pinili kong magpasakop sa mga alam kong lugar na hindi ko siya makikita.

At hindi ko namamalayan na pati si Mama ay nakikita na ang totoong ako. Kaya siguro hindi niya natiis na magsalita ng ganuon sa harap.

She know's how painful, how complicated I am right now.

Inihilata ko ang katawan ko sa matigas na sahig at binuksan ang phone ko, still no signal pero nakikita ko ang mga tadtad niyang mensaheng pinapadala 2 days, 3 days ago.

He is so fucking worried about me.

"I will be there tomorrow. Wait for me." Huli niyang text saakin at kagabi pa ito. Bigo kong inilapag ang phone ko sa tabi at ipinatong ang braso ko saaking mata.

Lumandas ang luhang hindi ko mapigilan.

Why my heart is beating faster again, nabasa ko lang naman ang simpleng linya niya pero bakit nagwawala na naman ito?

Sinubukan kong sumugal Ma, kaya nga ako pumayag na maging sekreto ang lahat but why? Why I am thinking na ako lang ang masasaktan sa huli?

Is it because mali? Mali ang mahalin siya dahil naka-committed siya iba?

Then I admit, mali ako. Mali ako pero ikaw na nga ang nagsabi, Kailangan kong sumugal sa laban para malaman ko kung sino ang panalo.

Then this war is for me and her. I dont care anymore, as long as hindi pa siya tuluyang nakatali sakanya.

I am willing to win this fight. Its not for him or for me, para lang hindi masayang lahat ng mga maling desisyon ko noon na narealize ko kung gaano na ka-imporatante ngayon.

Vote, Comment

Dating Rio Lhoyd SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon