Seventeen

1.1K 36 0
                                    

Seventeen

Cheska POV

Nagising ako sa halik na dumampi saaking noo. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at napangiti ng makita ko siya sa harap ko. Nakaupo siya sa sahig habang nagkikislapan ang mga mata niyang tumingin saakin.

If this is a dream, please huwag niyo na akong gisingin.

Lumapit pa siya lalo at hinaplos ang pisngi ko. "Lets go." ika niya.

Napabangon ako ng mapag alamang hindi panaginip ito.

"W-What are you doing here" gulat na tanong ko.

"Kanina pa ako nasa ibaba, pina-akyat na ako nila Lola para gisingin ka." Tumayo na ito at inalisa ang kabuuan ng kwarto ko.

Pinanuod ko lamang siya sa ginagawa niya.

"I thought aalis kana ngayon?" tiningnan niya ulit ako at idinako ulit ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

"Not until you go with me." sabi niya.

"What do you mean?" Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad patungong restroom.

"I am not going to Manila kung hindi ka kasama..." may pilyong ngiti ang lumabas sa labi niya at tsaka ako tuluyang pumasok sa restroom para makapaghilamos. Paglabas ko ng aking kwarto ay wala na siya, malamang nakababa na iyon. Nagpalit lamang ako ng damit ng meryo maayos at bumaba na.

Nakangiti pa akong sinalubong ni Mama... "Hindi mo naman sinabi saakin na may boyfriend kana pala, alam na ba ito ng Dad mo?" pangaasar na tanong niya saakin.

"Ma, hindi ko po boyfriend si Rio." paglilinaw ko ngunit mas lalong mapanukso ang ipinukol niyang tingin saakin.

"H-Hindi mo naman kailangan na magsinungaling pa. Naiintindihan ko anak. Ganyan din ang Mom mo noon." wala na akong nagawa sa mga tingin ni Mama at matiwasay na lamang kumain.

Medyo nagkasundo si Papa at Rio dahil hindi matigil ang tawanan nila, pinaguusapan ata nila ang about sa lupain. Bigla kong naalala na kaya nga pala pumunta si Rio dito ay dahil may bibilhin siyanf lupa at as the expert of Land (Papa) kaya siguro sila nagkakasundo.

Madaming binigay na advices si Papa about sa Lupa.

"Nga pala, bakit mo naman naisipan na dito bumili ng lupain?" tanong ni Mama habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Napatingin kaming lahat sakanya at naghintay sa isasagot niya.

"Uh, I am planning po na dito na manirahan after I get married." ngumiti siya habang may naalala.

"Bakit Surigao?" dugtong ni Mama.

"Her family is here at ito po ang dream niya sa pagkakatanda ko." bigla akong nabilaukan sa mga pinagsasabi niya. Pinaningkitan ko sya ng mata ngunit nakakakit lamang na mga ngiti ang binabato niya saakin.

Siniko ako ni Mama at bumulong saakin.

"Ikaw ba tinutukoy niya?" Tanong niya.

Nagkibit balikat lamang ako at kumain na lamang. Ano na naman ba ang gusto niyang gawin at ganyan ang mga sinasabi niya at hindi pa siya umuuwi?

Naunang magpaalam saamin sila Papa dahil may gagawin pa sila. Naupo ako sa sofa at sumunod din naman itong lalaking ito.

"Kailan mo ba balak na umuwi?" Tanong ko habang in-on ang tv. Pinagmasdan niya lang ang ginagawa ko.

"Kapag umuwi kna?" Masama ko siyang tiningnan.

"Seriously, wala ka bang pakialam sa girlfriend mo na naghihintay sa Manila." Iniwas niya ang tingin niya saakin at itinuon sa pinapanuod niya.

"I am planning to break up with her." Bulalas niya na nagpakabog ng dibdib ko.

"Is it because of me?" Napalunok ako sa isasagot niya. Nagtama ang paningin naming dalawa.

"No. Its for her." Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

"Dont do that Rio. Huwag mo siyang hiwalayan dahil lang sa bumalik ako. She deserves you." Mapakla siyang ngumiti.

"And do you think you cant deserve me? Kaya ba palagi mo akong itinataboy?" Napaiwas ako ng tingin sakanya.

"Did you really think I love her as mush as I love you? Yes, I admit it. I love her but not to the extent that kaya kong iwan ka at piliin siya. Kaya kong iwan lahat para sayo Ches at sana makita mo din ang halaga ko."

Hindi ko magawang tumingin sakanya dahil pakiramdam ko lalabas ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.

"I always want to be with you since we were childhood but you cant see me...." napapikit ako at hindi na napigilang lumabas ang luhang nakakubli sa mga mata ko. I always see you Rio, I really do.

"Even High school but you choose to left me and disaapear kaya akala ko kaya kitang kalimutan kaya pumasok sa buhay ko si Jean, because of that shit thought na baka kaya kitang kalimutan sa pamamagitan niya. But bullshit. Nung nakita kita sa Bar, did you know na I want to hug you that time because finally in 2 years of you dissapearance nandito ka na sa harap ko. Did you know how painful and happy I am that time?"

Hindi matigil ang bawat paghikbi ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko kyang tumingin ng diretso sa mga mata niya dahil alam kong mas lalong madudurog ako. Ngayon pa na ipinapamukha na niya saakin ang sakit ng mga pinagdaanan niya.

"...and now that I want you, you are pushing me again." Hindi ako makasagot sa bawat linyang binibitawan niya.

Naramdaman ko ang pagtayo niya, pumantay siya sa kinauupuan ko at dahan dahan akong iniharap sakanya.

"Can we just not be friends? Hindi ko kaya. Can I love you unconditionally, hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko pagdating sayo." Ramdam ko ang sobrang sincerity sa kanyang boses na parang humahagod ito sa aking kalamnan.

"But-"

"If Jean is the problem, I can settle it. Hayaan mo lang akong mahalin ka, papayag ako sa kahit anong gusto mo. If you want it to be secret, I am willing too. But please let me love you." Unti unti niyang pinupunasan ang luhang pumapatak sa mata ko at simpleng napangiti.

"I want to see you like this, you are crying for me." Lumapit siya saakin.

"It is my dream to see you crying over me. Papayag ka na ba?" Napalunok ako sa sinabi niya.

Gusto kong mag-isip ngunit kusang tumango ang isip at puso ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya sa naging sagot.

"Finally..." malambing na sambit niya at niyakap ako ng napakahigpit.

Katulad ng sinabi niya, wala naman sigurong masama kung susugal ako, diba?

And if it works I will be...

...Secretly Dating Rio Lhoyd Salazar.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now