Forty

1.1K 38 0
                                    

Forty

Pareho kami nagising ni Reil dahil sa lakas na dagung-dung ng kulog. Napahawak siya saakin ng mahigpit at ganuon din ako.

Maya maya ay may naririnig kaming nagdo-dorbell ngunit hindi ko kayang umalis at buksan ito. Sinubukan kong pakalmahin si Reil sa bisig ko at nagsumikap na hindi ipahalata na natatakot din ako.

"Ches. Ches." Naririnig kong tawag saakin sakabila ng malalakas na kulog at kidlat.

"Mom." Mas lalong humigpit ang hawak saakin ni Reil.

"Stay calm, baby." Sambit ko. Binuhat ko si Reil para makita ang taong tumatawag saakin. Nakakapit siya saakin habang pareho kaming nakikipagdigma sa malakas na kulog at kidlat.

Dahan dahan ang pagbaba ko ng hagdan at pinapakiramdaman ang malalakas na dagundong, nagtagumpay kaming pagbuksan ng pinto si Rio. Nanginginig pa din ang bawat kalamnan ko habang nakatingin sakanya

"Are you okay?" Tanong niya saamin.

Kaagad ako napaup ng may makita akong nagbabadyang pagkidlat, pati si Reil na hawak ko ay mas lalong kumapit saakin.

"P-pakisarado ng pinto please." Dali daling tinugon ni Rio ang sinabi ko. Inalalayan niya rin kaming dalawa ni Reil sa upuan. Nakasubsub saakin si Reil at ayaw i-angat ang ulo dahil sa takot.

Maya maya ay may dumating, natigilan si Rio. Dali dali kaming niyakap ni Mama at Papa. Nakatingin lang siya saaming dalawa ni Reil, kinuha ni Papa saakin si Reil at pilit na pinakalma ito. Si Mama naman ay hinahagod ako at pilit na pinapakalma.

"I'm sorry, I didnt know." Tanging naging bigkas ni Rio sa harap ko.

Ngumiti ako sakanya in releif at para sabihing okay lang kami. Napatikhim si Mama at tinitigan ng masama si Rio.

"Akala ko uuwi kana." Sabi nito rito.

"Halos di ka namin makilala kagabi kaya ka namin pinapasok at nandito ka pa pala." Nagkatinginan kami ni Mama.

"Ma, okay lang." Hinawakan ko ang kamay ni Mama. Hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit ganito sila kay Rio, alam kong nasaktan din naman sila sa mga nangyare pero katulad ko, alm kong nadala lang din sila sa sitwasyon at wala pa silang alam sa tunay na nangyare.

"Ni hindi mo nga alam na takot ang Anak mo sa kidlat at kulog pero pinagbuksan ka parin nila ng pinto..." sabi ni Mama at tuluyan ng umalis doon. Nagtungo siya sa kusina.

Awkward akong napatingin sa namumutlang si Rio. "Pagpasensyahan mo nalang muna si Mama. Menapause na kasi." Pambibiro ko upang bumalik ang sigla niya.

Naging tulala siya habang nakatingin lamang sa sahig, medyo tumigil na ang malalakas na kulog at kidlat kaya kahit papaano ay naging kalmado na kami ni Reil. Tinulungan ko si Mama na maghanda ng hapunan.

"Ma..." panlalambing ko rito.

"Uh." Inis na sambit niya saakin.

"Huwag naman po sana kayo maging ganuon kay Rio." Sinamaan niya ako ng tingin at itinuro saakin ang hawak niyang kutsilyo, nanlaki ang mata ko. Kaagad niyang ibinaba ito ng makita niya ang naging reaksyon ko at naghiwa na ng mga rekado.

"Bakit? Nasabihan ka na naman ba ng mga mabulaklak na salita? Di ba may pamilya na yan, ano nalang-"

Bigla kong pinatigil si Mom sa pagsasalita niya.

"Wala po Ma." Kumunot ang noo niya at pabagsak na ibinagsak ang kutsilyong hawak niya at hinila ako paalis doon. Ikinulong niya ako sa isang kwarto para makausap ng maayos.

"Anong sinasabi mong wala?" Tanong niya saakin. Napalunok ako bago magsalita.

"N-Nakausap ko na po si Jean, yung babaeng nabuntis niya daw noon. Nilinaw na niya saakin ang lahat Ma." Huminga ulit ako ng malalim.

"5 years ago, she made a mistake. Ipinalabas niya sa mga tao na nabuntis siya ni Rio when in fact, hindi naman talaga." Kaagad napahawak sa kanyang sintido si Mama.

"So ibig sabihin, pinalabas lang nung Jean na nabuntis siya para maging kanya si Rio?" Tumango ako.

"E, Tang*na naman pala yang Jean nayan, Nasaan ba mga magulang niyan para mapagsabihan. Paano sila nagpalaki ng anak na ganyan. Hindi ba niya alam kung ano ang paghihirap mo, niyo ni Reil dahil wala si Rio." Ang lakas na ng boses niya.

"Shhh."  Sumenyas pa ako kay Mama para patahimikin ito.

"May tao sa labas Ma, baka marinig din ni Reil." Bigla itong kumalma.

"So ano ang plano mo? Alam na ba ng Dad mo na nandito si Rio?" Tanong niya saakin.

Napahawak ako sa batok ko habang nagiisip.

"Uhm, sa ngayon naging malinaw na lahat saamin, kay Reil at kay Rio. Ayoko namang ipagkait sakanila ang lahat. And about kay Dad, hindi ko parin siya nako-kontak hanggang ngayon." Huminga siya ng malalim.

"Kamusta naman si Reil?" Ngumiti ako ng malapad.

"She already know that truth Ma. Bago ko pa sabihin sakanya, alam na niya." Pinanlakihan ako ng mata ni Mama dahil sa gulat.

"T-Talaga?" Tumango tango ako.

"She's really bright Cheska, napalaki mo ng tama ang anak mo."

"No Ma, tinulungan niyo ako na mapalaki siya ng tama." Bigla akong niyakap ni Mama at nagsimula na namang umiyak.

"Kung nandito lang-" pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya dahil sigurado akong, Si Mom na naman ang paguusapan namin at magiiyakan na naman kaming dalawa.

Paglabas namin sa silid na iyon ay medyo naging maayos na rin ang pakikitungo ni Mama kay Rio, naging komporatble na din ito.

Kung iisipin, wala namang ni isang may kasalanan ng nangyare. It is just that pinili lang naming magmahal.

At ang mga maling desisyon na akala naming tama noon ay ngayon lang nagkakaroon ng buhay.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now