Forty Four

1.1K 35 0
                                    

Forty Four

Pareho kaming nakaabang ni Reil sa may pintuan habang inaabangang dumating si Rio. Inayos ko ang suot ni Reil. Maya maya ay hindi na niya napagilang hindi ngumiti habang nakikitang naglalakad papalapit saamin si Rio.

“Hi!” nahihiyang sambit pa niya kay Rio. Ngumiti ng napakalapad si Rio at binuhat si Reil, papasok ng bahay. Nakasunod lamang ako sakanila at iginaya ko na sila sa hapag para kumain.

“Hindi pa kayo kumakain?” tanong ni Rio at inupo na si Reil sa upuan.

“Nope, we were waiting for you.” Sagot ni Reil. Tumango na din ako sa harap ni Rio.

Naging maayos ang takbo ng kainan namin and as usual, ibinibida na naman ni Reil ang mga nakuha niyang very good kanina sa kanyang klase. Maya-maya ay iniwan ko muna silang dalawa dahil narinig ko ang pag-alingawngaw ng aking cellphone. Binilhan na ako ni Dad ng bago.

Si Dad pala ang caller.

“Yes Dad.” Sagot ko.

“Did you eat?, nandiyan si Rio?” tanong niya saakin.

“Good.”

“Ikaw, kumain ka na ba Dad?” tanong ko sakanya.

“Kakain na…” aniya at pinatay na niya ng tuluyan ang tawag niya. Bumalik ako sa hapag at natigilan ng marinig ko ang sinabi ni Reil kay Rio.

“Is it okay if I call you Dad?” Biglang natigilan si Rio at nakatingin lamang sa naghihintay na si Reil.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. She really trusts him.

Nakita ko ang pagbabadyang luha sa mga mata ni Rio. Pinagmasdan ko silang pareho habang naghihintay din ako ng isasagot niya.

“I-I would love too.” Sagot niya at hinalikan si Reil sa pisngi. Pati si Reil ay nadala sa emosyong ipinapakita niya.

Hindi mawala-wala ang aking ngiti ng maupo ako sa harap nila, si Rio hindi maipinta ang kasiyahang nararamdaman. Si Reil naman ay tahimik lang na pinagmamasdan kami, bumulong pa siya saakin in words.

“I will trust him Mom.” Walang tunog na sambit niya. Tumango ako sa harap niya.

~*~

Hinayaan kong maglaro si Reil sa Sala, nanunuod ito ng paborito niyang palabas na cartoons. Naupo ako sa bench habang may hawak na kape. Maya-maya ay may nagpatong ng jacket saakin, si Rio pala.

“Mag-de-december na, malamig.” Aniya. Naupo siya sa tabi ko. Inoffer ko sakanya ang kapeng hawak ko at mapanukso niyang kinuha ito.

Lumapit siya saakin para bumulong.. “In direct kiss again.” Napahalakhak ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.

“Don’t ever think na gagawin ko ulit ang ginawa ko noon.” Sambit ko.

“No, no.” lumapit siya saakin ng napakalapit. “You will not be the one who’s going to do it. I have an urge now” bulong niya saakin at tuluyan na niyang inangkin ang aking labi. Natapon ang kapeng hawak niya dahil sinigurado niyang mahahalikan ako.

“Finally…” bulong niya sa hangin habang inaangkin ang aking mga mata ng kanyang titig.

Isinandal ko ang aking katawan sa kanyang matipunong pangangatawan.

“Never in my life na mangyayari ulit ito.” Sabi ko.

“No, never in my life na darating ka at papasukin ulit ang buhay ko. You are always been my dream girl Ches, at walang mapaglagyan ang saya ko ng tuluyan mong pinasok ako.” Napangiti ako.

“For sure nagtataka ka kung bakit ko piniling mag iba ng career.” Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang magsalita.

“You will always be the reason kung bakit, like what I’ve said in the television. Nawalan ako ng rason para mabuhay when Jean, said to me everything. Nawala ka saakin kahit na hawak na kita. You are my everything. Ilang beses kong sinisi ang sarili ko, ilang beses kong tinangkang hanapin ka but the problema is, ayaw ng tadhana. Ayaw din ng mga taong nakapaligid saakin na hanapin ka. Hindi ko alam, wala akong idea sa mga nangyayare sayo pero nawawalan na ako ng pag-asa.” Huminga siya ng malalim.

“So in order for me to know where you are, I accept the offer when there is a network want to scout me in their agency. Kaya simula ng magpaalam ka saakin, pagiging artista ang naging sandalan ko dahil kahit papaano sa sobrang dami ng mga schedule, nakakalimutan kita. Nawawala ang sakit. Hindi kita ganuon ka naalala but then I hate the fact na gumagabi, dahil naiisip na naman kita.”

“I am living like that for 5 years, and when Jel said to us na may anak ka na. I tried to commit suicide, napigilan lang ako ni Raiden at sinabi niya kung nasaan ka.” Bigla akong nasaktan sa sinabi niya. He commits suicide?

Umayos ako ng upo at tiningnan ang katawan niyang may possibiliti’ng may marka, pero wala akong nakita.

Niyakap niya ako ng napakahigpit. “Hindi ko sinaktan ang sarili ko, I am in the edge of the building when Raiden told me.”

Hinaplos haplos ko ang likod niya… “Kaya siguro natiis ko ang walang kain ng dalawang araw, hindi ko inalintana ang ulan para lang makita ka. Gusto kong mag-plane pero walang available. Kaya inabot ako ng  2 days para makita. I’m sorry.” Sabi niya.

Sa pagkakataon ngayon, ayoko munang umiyak. “No, don’t be. May pagkakamali din naman ako. I am so sorry. Naging duwag ako sa lahat ng bagay.” Sambit ko sakanya.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya saakin. Maya maya ay natigilan kami sa pagyayakapan ng kalabitin kaming pareho ni Reil.

“Dad, can you sleep over here?” nagkatinginan kaming dalawa ni Rio dahil sa sinabi niya.

“Of course, only if you’re Mom gives us her permission.”

Napaiwas ako ng tingin dahil sa titig nila saakin. Huminga ako ng malalim. “Ou na, sige na…” sagot ko.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now