Ten

1.3K 53 0
                                    

Ten

Cheska POV

Bigla ako kinabahan sa mga titig niya, tama ba na pinusod ko ng ganito ang buhok ko? Hindi ba siya bagay sa suot kong damit?

Sa pangalawang pagkakataon ay tiningnan ko ulit siya ngunit ganuon parin ang reaskyon niya. Mukhang hindi niya siguro gusto ang ayos ng buhok ko. Unti-unti kong tinanggal ang pagkakapusod ng buhok ko ngunit maagap niyang hiwakan ang kamay ko.

"Dont, mas bagay sayo yan" aniya. Naiwan akong napanganga sa sinabi niya.

"Akala ko hindi bagay." sambit ko.

Tumalikod siya saakin at mukhang inayos ang suot niya.

"Kung pwede nga lang hindi na kita ilabas, ginawa ko na." biglang namula ang pisngi ko sa bulong niya. Pero nagkunyari nalang ako na hindi ko narinig.

~

Katulad nga mga wedding na pinangarap ko, isa ang kasal na ito sa mga iyon. It is really indeed a perfect wedding. at hindi ko kilala kung sino-sino sila dito ngunit wari'y halos lahat ng narito ay kilala ako. Mas lalo na ang bride ni Rio.

Ilang beses kong tiningnan ng kakaiba si Rio dahil hindi ko alam kung papaano nila ako nakilala, ni minsan ei hindi naman ako nakapunta sa mga gathering ng family nila, at ano naman ang gagawin ko doon kung in the first place wala namang kami at hindi naman dapat ako ang nandito at nakangiti sa mga kamag-anak niya.

Tumabi sa tabi ko si Rio habang may dalang isang baso ng wine. "Drinks?" alok niya. Tinanggap ko naman din kaagad ito.

"Pagod kana?" malambing na tanong niya.

"Medyo." tipid na sagot ko

Isang katahimikan ang bumalot saaming dalawa. Hanggang sa magsalita ako.

"Bakit nga pala parang kilala nila akong lahat?"

Saglit niya akong tiningnan at binalik ulit ang tingin sa bride na masaya.

"Because you were my dream girl" binalot ng kabog ng dibdib ang puso ko. Tumingin siya saakin at nagtama ang pangingin naming dalawa. Nagkawala siya ng matamis na ngiti at iniwas ko naman kaagad ang tingin ko. Ininom ko lahat ng wine na nasa baso dahil sa napakabilis ng pagkabog ng dibdib ko.

Nakalipas ang ilang minuto at nanatili lamang ako sa kinauupuan ko habang si Rio naman ay naaliw sa pakikipag-usap sa mga kamag-anak niya. Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa Lobby ng Hotel. Gabi na pala, ni hindi ko man lang namalayan ang oras. Napatingin ako sa malaking orasan na sa Lobby, past nine na pala ng gabi. Napahinga ako ng malalim, panigurado nagaalala na sila Mama saakin.

Lumabas ako sa Hotel at naglakad-lakad sa may dalampasigan, nakayapak ako habang bitbit ko ang aking sandal sa kanang kamay. Hindi ko inalintana ang suot ko at bawat tingin ng mga taong nakakasalubong ko. Hinayaan ko lang ang ganitong pakiramdam na alam kong hindi ko naman maramdaman kapag bumalik na ako ng Manila.

Hindi ko namalayan na nakakalayo na pala ako sa Hotel, napatingin ako sa paligid, wala ng katao-tao at tanging ilaw na lamang sa street light ang liwanag. Pumasok ako sa may cottage doon ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Bigla na ako nakaramdam ng lamig. Mga ilang minuto pa ang lumipas at wala paring tigil ang malakas na pagbuhos ng ulang, ang ipinagdarasal ko nalang ay huwag sana kumulog at kidlat kundi mamatay ako dito.

Dinampi ko ang palad ko sa ulan at tsaka ko napansin ang isang lalaki na nakapayong at nasa harap ko. Napatitig ako sakanya-tsaka ko napansin na si Rio pala ito.

Magsasalita na sana ako ng maagap siyang tumakbo papalapit saakin at mahigpit akong niyakap. Naiwan akong nakatulala habang sobrang bilis na kabog ng dibdib ko.

"I thought iniwan mo na naman ako." bigla ako nanghina dahil sa sinabi niya.

"Naglakad lang ako, h-hindi ko napansin na nakakalayo na pala ako sa Hotel." paliwanag ko. Bigla siyang kumawala sa pagyakap at tsaka hindi makatingin saakin.

"So-Sorry, akala ko-"

Napangiti ako. "No, okay lang. Alam ko rin namang nagalala ka. Sorry" sambit ko. Binalot kami ng katahimikan, hindi parin tumitila ang ulan. Nanginginig na ako sa lamig. Napaupo ako habang iniiwas ang tingin sakanya dahil kanina ko pa nararamdaman ang mga titig niya saakin, kaya hanggat maari iiwas na lamang ako.

Ngunit-makaraan ng ilang minuto ay naramdaman ko ang pagpatong niya ng coat niya saakin. Biglang nagtama ang paningin naming dalawa. Hinawi niya rin ang iilang buhok na nasa aking mukha. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko, naghuhurmitado na nang sobra sobra ang dibdib ko.

Napalunok ako sa bawat titig niya na tumatagos sa aking katawan. Pakiramdam ko ay nanunuyo na ang katawan ko.

Napaiwas ako at naghanap ng dahilan para tigilan na niya ang pagtitig saakin.

"Tu-tumila na pala ang ulan" sambit ko ngunit walang epekto.

"Ma-May wine ka palang dala?" sambit ko habang nakatingin sa wine na kanyang bitbit kanina.

Ngumisi siya. "Ah ou, gift ko kasi kay Couz yan. Nung nalaman kong bigla kang nawala di ko napansin na nadala ko pala." Napalunok ako sa sinabi niya. Naupo na siya sa tabi ko.

Nakita kong kinuha niya ang wine at binuksan ito. Tinungga niya at tsaka inalok saakin. Tatangi na sana ako ngunit bigla kong naramdaman ang pagkulo ng tiyan ko. Hindi naman siguro masama kung iinom ako? Wala naman saaking sinabi ang Doctor.

Kinuha ko iyon at tinungga din ngunit biglang lumapad ang ngiti ni Rio habang pinagmamasdan ako.

"Why?" lumapit ito saakin at bumulong.

"Nahalikan kita sa wakas." aniya at tsaka ngumiti ng nakakaloko. Bigla akong napangiti sa inasal niya.

"In-direct kiss nga lang... at leas-" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at agaran ko siyang hinalikan ng mabilis.

Naiwan siyang nakanganga sa inakto ko.

"Ngayon hindi na in-direct kiss." sambit ko at tsaka ibinigay sakanya ang wine na hawak ko.

VOTE, COMMENT

Sa susunod ko na ieedit😂

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now