Nineteen

1K 35 0
                                    

Nineteen

Napatalukbong ako ng kumot habang hindi matigil ang mga hikbi na nilalabas ng aking mata.

Hindi mawala sa isip ko ang boses ni Jean sa kabilang linya habang kausap ko siya. Hindi mawala sa puso ko ang pagtusok ng tawagan nila.

He still with her. At ang mas masakit ay ang pag-asa ko na wala na sila. But damn, Rio still didnt break up with her. Sino ba naman ako diba?

Jean love hin as much as he loves her.

We were just in a roller coaster road na kung sino ang unang matakot at tumili ay siya ang talo. At I hate the fact na wala akong karapatan sakanya. I hate fact na webwere just segretly dating behind her.

At alam kong magagalit si Dad kapag nalaman niyang pumayag ako sa ganintong sitwasyon.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko. Damn, its already 10 days simula ng pumunta siya ng Manila but I am still fucking waiting for him. Nagbabakasakali na bawat araw ay makikita ko siya na nagdo-doorbell sa pintuan ng bahay namin. But he was not.

Wala akong makitang anino niya, tanging yung tatlo lang ang palaging nagpapasaya saakin.

At ang mas hindi ko kaya ay ang pagpaparamdam nila saakin, na he still here, kasama ko.

Its my 15 days here in Surigao, but only the 5 days of it were completely enjoyable because he was here with me.

"I will be back."

"Kailan?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Babe, where are you?" Kaagad na nagsalubong ang tenga ko ng marinig ko ang boses babae sa kabilang linya. Sinigurado ko kung si Rio ba itong kausap pero naalala kong sila lang naman ni Dad ang naka-save sa phone kaya I am sure na siya ito.

Biglang bumagtas ang luha sa mata ko ng marinig ko sa kabilang linya ang pagyakap sakanya at paghalik. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at dahan dahang inilayo ang phone ko at pinatay.

Natulala ako habang hindi matigil sa pagtulo ang luha kong unti unti ng pumupuno sa mukha ko.

Nagising ako sa aking pagkakatulog ng mapanaginipan ko ang nangyare kagabi. Damn! Sa sobrang pagiisip ko hindi ko na napigilang hindi mapanaginipan.

Ilang minuto bago ako nagdesisyong lumabas sa kwarto at magpahangin sa Veranda.

Like my old self, hinayaan ko na namang malunod ako sa mga naiisip ko. Hinayaan kong malunod sa mga mangyayareng hindi kaaya-aya.

Niyakap ko ang sarili ko.

Did I really deserve all of it, to be her secret girlfriend? Napangisi ako ng mapait sa mga naiisip ko.

But my consience is telling me. Na ginusto ko ito, pumayag ako. I agree to be with him because he want to me be with him. Alam na alam ko kung gaano ako kahalaga kay Rio. Pero paano kung mahalaga lang pala ako, I am his dream. Alam na alam ko yun, kasing linaw ng liwanag buwan at araw.

But what if, kaya niya lang ginagawa saakin ito ay dahil sa gusto niyang maghiganti dahil sa mga pananakit ko sakanya.

But No. Kilala ko si Rio. Hes not that type of a guy na mananakit in order to satisfy his pride.

Nagdidigmaan ang puso at isip ko. I dont know, all I want now is his presence. Gusto ko siyang kausapin about what happen, I want to ask him about Jean.

Inabot na ako ng umaga sa mga iniisip ko at hindi na muling nakatulog. Napansin ko din ang tatlong si Ben, Zayn at Jirvie na nakaabang na sa labas ng gate.

"Good Morning po." Sigaw nila saakin. Tipid akong ngumiti sakanila at sumigaw din.

"Hindi tayo aalis ngayon." Sigaw ko sakanila.

"Bakit po?"

Nagisip ako ng ilulusot. "Masama pakiramdam ko. Umuwi na muna kayo. Magpahinga kayo." Kahit ayaw nila ay wala silang nagawa. Bumalik ako sa pagmumuni muni ng maramdaman kong pumasok si Mama sa loob ng kwarto.

"H-hindi ka pa kumakain. Aalis na kami ni Papa mo."

"Susunod na po ako Ma." Hinalikan niya lang ako sa ulo at aalis na sana ngunit maagap kong hinawakan ang mga kamay niya. "Ma, pwede bang sumama?"

"Wala ka bang lakad ngayon? Hini-"

"Wala po Ma, pinauwi ko na po sila." Sagot ko.

"Hindi ba makakasama iyon saiyo?" Napailing iling ako.

"Hindi po." Huminga siya ng malalim at pumayag na din.

Nagayos lang ako para sa pag-alis namin. Natuwa si Papa dahil sa pagsama ko. Pinagsumbrero nila ako at pinasuot ng medyo hindi mainit na damit. Pinilit din nila akong palitan ng medyo may kahabaan na pang ibaba. Dahil natatakot sila na mangitim ako doon. Kahit na ang itim itim ko na dahil sa kakaligo sa mga beaches.

Medyo malayo ang paglalakad namin at puro palayan ang nadaraanan namin, nakaalalay din saakin si Mama at Papa sa tuwing may aakyatin kaming mga matitirik na lugar. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

At nang matanaw ko na ang bahay kubo ay hindi ko mabilang kung nakakailang pikit mata ako sa tanawing hindi ko alam na may tinatago pa pala. Nasa mataas kaming bahagi na kung saan ay nakikita ang malawak na karagatan.

"Maganda ba?" Bulong saakin ni Mama.

Nagkislapan ang mga mata kong tumingin sakanya.

"Ma, Pa bakit ngayon niyo lang ako dinala dito? Ang ganda ganda."

Nagtawanan silang dalawa habang nagtungo na sa bahay kubo. Napakaaliwalas ng amoy at parang akong dinuduyan sa sobrang lakas ng ihip ng hangin na nadarama ko. It was a paradise. Sumunod ako kila Mama sa bahay kubo at napakaganda din ng ayos nito. Malinis. Meron din akong nakitang banig at unan rito.

Maganda ito kapag gusto mo ng pahinga.

Mabilis silang nagpaalam saakin ng mailapag na ang mga gamit na dala nila, bumaba ulit sila. Para siguro makapag umpisa na sa gagawin nila maghapon.

Inilabas ko ang phone ko sa aking bulsa at pinag kukuhaan ang mga tanawin na maganda sa aking paningin. Meron ding puno ng kahoy at upuan na hindi nalalayo sa kung nasaan ako.

It was really magical, napapaisip ako lalo kung gaano kaganda ang lugar na ito kapag gabi. Siguradong sigurado ako na nagkikislapan ang malawak na karagatan dahil sa liwanag ng buwan. I want to sleep here kahit isang beses lang.

Naupo ako sa upuan sa may ilalim ng puno at dinamdam ang hanging dumadampi sa balat ko. Kahit dito ako manirahan ay paniguradong magiging payapa ang pamumuhay ko.

Napatitig ako sa kawalan habang napadako sa aking walang signal na phone. Huminga ako ng malalim at naglakad patungong kubo at nagdesisyong matulog. Hinila ko ang unan at pinagmasdan ang punong nasasakop ng mga mata.

Dito lang pala ako makakahanap ng tunay na katahimikan.

Dala narin siguro ng sobrang puyat kagabi kaya walang alinlangan akong nakatulog.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now