Fifteen

1.1K 42 0
                                    

Fifteen

RIO POV

Hindi mawala wala ang aking ngiti habang naghihintay ako sakanya sa labas ng cr. Hindi ko makontrol ang sayang nararamdaman ko habang naaalala ko ang mga nangyare kanina.

Pagkalabas niya ng cr ay mabilis kaagad akong napalunok sa ayos niya. Shit. Bigla akong napaiwas ng tingin sakanya at kinuha ang bitbit kong sando. Nagiinit ang katawan ko.

"S-Suotin mo to." hinawi niya kaagad ang kamay ko at tiningnan ang suot niya.

"B-Bakit anong masama sa pag-two-two piece?" clueless na tanong niya saakin.

"B-Basta." Wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ko dahil hindi ko siya hinahayaang lumabas ng cr hanggat hindi siya nagpapalit.

Pagalit siyang lumabas dito samantalang nag-approve na ako sa suot niya. Tamang tama lang ang sandong binili ko para sakanya, tama lamang para matakpan ang katawan niyang ayokong ipakita sa iba.

Hindi ko pa nga namamarkahan iyan, idi-display na niya? No way.

Sunod akong pumasok sa loob ng cr at siya naman ang naghihintay saakin sa labas. Sumisipol pa ako habang nagpapalit. Sana hindi nalang matapos ang araw na ito.

Wala akong pantaas ng lumabas ng cr, at napangiti kaagad ako ng makita kong iniiwas iwas niya ang paningin niya sa akin.

Inalalayan ko siya sa cottage na aming inarkila para saaming dalawa. Medyo iilan lang ang taong narito. Mas maganda ito at hindi gaanong crowded.

Hinayaan ko siyang maglagay ng sunblock niya sa kanyang katawan ngunit hindi ko rin maiwasan ang sumulyap sa bawat pagkislap ng katawan niya.

I suddenly feel hot. Tumayo ako at naglakad lakad. Hanggat maari ayoko munang madikit sakanya.

Dahil baka pagsisihan ko ang mga gagawin ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakakarinig na ako ng pagtawag niya. Ang lawak ng mga ngiti niya habang ino-offer saakin ang sunblock na hawak niya.

"H-hindi ka maglalagay." Ika pa niya.

Mabilis akong tumanggi sa offer niya. Ayoko ng isipin pa ang mga susunod na minuto kapag pumayag ako. Parang may hindi lang tama. Iginaya na niya saakin ang napakalawak at lalim na Falls.

"Uuna na ako?" Sabi niya at naglakad na patungo doon. Dali dali kong kinuha sa mga gamit ko ang camera niya at phone ko.

Kung may dapat na hindi ako makakalimutan ngayong araw na ito, iyon ay ang mga litrato niya.

Nakapikit siya habang bumubwelo na sa pagtalon at kasabay noon ay ang paghahanda ko ng camerang hawak ko.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa bawat click na ginagawa ko. It is really beautiful, no She is beautiful.

I suddenly want the time to stop at this moment.

I want me and only me to see this side of her.

If there is someone drooling in front of her. That is me. I suddenly want to jump and hug her while we were in water but I know ipagtatabuyan na naman niya ako because for Jean. Mali ang ginagawa ko, mali ang ginagawa niya. Iyan lang naman palagi ang naiisip niya.

Kailan ko kaya siya pwedeng masabihan na "There was no one fault." It just that I always choose to love you kaya palagi mong nakikitang may mali. Our time always lapse.

Tinitigan ko siya habang patuloy siya sa paglangoy sa malalim na tubig. Napasulyap rin ako sa mga tao sa paligid na animoy may mga pinapanuod. Napakunot noo ako habang itinuturo nila si Cheska na naruon.

Awtomatikong napatayo ang katawan ko at napatalon sa kung nasaan siya ngayon. I want them to know that she is with someone. I want them to know that this is my girl and no one can even dare to watch her.

Masiglang mata ang nakita ko sakanya ng magtapo ang mga palad namin sa tubig.

"Malamig diba...." hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang lumalalim ang mga titig ko.

"Ou" nahuli ang pagsagot ko.

God, if you give me an angel right now. Siya iyon. Kahit basang basa na ang buhok niya ay ang ganda ganda niya parin.

Nakaramdam na naman ako ng kung ano sa aking katawan habang hindi namamalayan na sobrang titig na pala ang pinupukol ko sakanya.

"M-mukhang dumadami na ang mga tao" paglilihis niya ng tingin saakin.

"Ou, at kanina ka pa nila pinagpi-pyestahan." Direktang sagot ko.

Ngumisi siya at tumingin sa mga ito. Even her side view is so beautiful. God. She is tempting me. What do I do?

"Ou nga, nakatingin sila saatin." Aniya. Ibinalik na niya saakin ang mga tingin niya. Napalunok ako as Ive gotten closer to her. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung gaano na kami kalapit sa isat isa.

"A-Anong ginaga-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at tuluyan ko ng inangkin ang mga labi niyang nang aakit sa paningin ko. Mapupusok ko itong inangkin na animoy maglalaho ang labi niya sa sobrang diin ng paghalik ko. Wala na akong pakialam kung gaano karami ang nanunuod saaming dalawa ngayon.

H-Hindi ko lng makontrol ang sarili ko pagdating sakanya.

Pilyo akong ngumiti ng inilayo niya ang labi niya saakin. "You will be mine Ches." Bulong ko at tsaka na naunang umahon sakanya. Iniwan ko siya na naguguluhan sa mga sinabi ko.

Maybe all my pain that I experience with her, got me into this. I was so over confident na makukuha ko na siya this time.

I dont fucking care if I will give pain to anyone, if Cheska will be mine then so be it.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon