Eleven

1.2K 43 0
                                    

Eleven

Biglang namula ang pisngi ko dahil sa ginawa ko, kapansin pansin din ang pagkatulala ni Rio sa ginawa ko at hindi makapaniwala.

Napatayo ako ngunit agaran niyang hinila ang kamay ko dahilan para mas lalong lumapit ang mukha ko sa mukha niya.

Kinakabahan ako ng husto at tanging titig niya lang sa labi ko ang may gawa nun. Naramdaman ko ang pagakyat ng kamay niya sa ulo ko. Napapalunok ako.

"Bahala na..." iyan na lamang ang huli niyang sinabi at tuluyan na niyang inangkin ang labi ko na animoy sabik na sabik siya rito.

Gusto ko siyang itulak ngunit umaayon na din ang katawan ko sa ginagawa niya.

Lumipas ang ilang segundo at napatigil ako sa paghalik. Hinahabol ko ang aking paghinga.

Napatingin ako sakanya, gusto kong maging masaya pero biglang pumasok sa isip ko ang Girlfriend niya.

Hindi ito pwede.

Napapikit ako at napabuntong hininga.

"I have to go" hindi ko na nahintay ang sasabihin niya at umalis na ako sa lugar na iyon.

Biglang nag-unahan sa pagpatak ang luha ko. Hindi ko alam pero bigla akong nasaktan, nagsisisi ako. I feel sorry toward his girlfriend. Nakaka-konsensya. She doesn't deserve it, hindi siya dapat ginagago ni Rio.

Kasalanan ko to.

Bigla akong napatigil ng biglang may yumakap sa likod ko. Ang kaninang luha na umaagos ay animoy naging gripo na ngayon. I want to hug him back pero di na kami pwede.

Naramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko at mas lalo akong napapaiyak dahil doon.

"Please Ches..."

"I can fix it, makikipaghiwalay ako kay Jane please don't go. Akin kana lang" naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa leeg ko at mas lalo akong nasasaktan dahil doon.

"I thought makakalimutan kita kapag may iba, pero ikaw at ikaw parin. I willing to be your stalker forever just please wag kana lang ulit umalis."

Humarap ako sakanya at pinunasan ang luhang ayaw magpaawat.

Napangiti ako... "Rhio, I know naging iba ako, I am a devil to you in past pero kung ang pagiging devil ko ang magpapasaya sayo sa iba, I am willing to be evil again. I know Jane, she loves you maybe not the way you love her pero babae ako alam kong mas deserve ka niya kaysa saakin."

Pinunasan ko ang luha sa mata niya.

"Huwag mo siyang saktan dahil bumalik ako." ngumiti ako.

"At I promise you, I will not be leaving again. Palagi mo na akong makikita, we can go back to the way we used to be." isang napakahigpit na yakap ang ibinigay niya saakin.

"Friends? Again?" pag-ooffer ko.

Napatango siya sa sinabi ko at tinanggap ang kamay ko.

Nakita ko ang biglang pagliwanag ng mukha niya at masayang umakbay saakin.

Ihahanda ko na ata ang sarili ko sa sakit na mararamdaman nito.

Bumalik kaming dalawa sa pinagdarausan ng kasal at nagpaalam. Bumalik na din ako sa kwarto ni Rio para makapagpalit ng damit.

Pinahiram din ako ni Rio ng cellphone para matawagan ko si Dad na alam kong kanina pa nagaalala.

Matapos nun ay hinatid na ako ni Rhio sa bahay. Sa labas palang ay nakaabang na kaagad saakin sila Mama at Papa na nagaalala.

Nagpaalam lang din ng maayos si Rhio sakanila at tuluyan ng umalis.

Nakahiga ako sa kama ko at pilit na tinatanggal sa isip ang nangyare kanina.

Okay lang ba saakin na maging magkaibigan lang kami? Makakaya ko ba?

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarOù les histoires vivent. Découvrez maintenant