CHAPTER 7: #TiredAndSick

588 28 22
                                    

ANDREA's POV

Hay sa hinaba haba ng storyang to, ngayon lang ata ako nagka POV. Nakakatampo ka talaga Author ha! Naiinis na ako! 😒

[ Author: Psssh! Wag ka ng Choossy be! Sorry na! Love kita 😘]

So back to your crazy imagination Author.

Sa totoo lang naiinggit ako kay Yuri, kasi siya kamakailan lang niya nakilala at nakita sa personal yung mga HT pero naging instant assistant na siya. Eh kami? Tayo? Eclipse pa ba yung hihintayin natin? Diba? Anyways, okay lang! Basta ako todo effort parin in my own way.

Habang naglalakad ako pauwi at syimpre gabi na nasa 8:30 pm na, may lalakeng naglalakad din sa di kalayuan.

Matangkad, medyo maganda yung katawan at kahit nakatalikod eh anggara ng pormahan.

Di naman siguro to adik o kung ano. Hindi naman siguro mukhang holdaper o rapist. Hmm! Humarap ka nga boy. Hahaha!

Medyo malapit lapit na ako sa kanya. Sinundan ko lang siya kasi papunta din siya sa way na uuwian ko. Pero bigla siyang huminto. Manong?😮

OMG! Bigla siyang humarap sa akin.

Wilbert: "Hoy! Kanina mo pa ako sinunsundan huh?"

😳 !!! Loading............

Tulala muna lola niyo. Please sapakin niyo ko baka natutulog lang ako ng naglalakad. Nababaliw na ba ako? Nararamdaman kong nanlalamig ako at nanginginig.

Wilbert: "Hoy ! Ba't mo ko sinusundan? May kailangan ka ba? Ano? "

Andrea: "Excuse me? Oy! Wala ah!"

Wilbert: " Oh? Kanina ka pa kaya sunod ng sunod sa akin!?!"

Andrea: "Kasalanan ko ba kung dito din yung daan ko pauwi? Tsaka di man kasi ako na aware na nakapangalan na po pala sa iyo yung kalsada!"

Wilbert: "Hmm! Sus! Sinusundan mo lang ako.."

Andrea: "Hoo! Assumero ka din noh? Hoy FYI hindi po. Magpapakapagod ba akong maglakad para sundan ka lang. At malay ko ba kung saan ka pupunta!"

Wilbert: "Saan ka ba umuuwi?"

Andrea: "Dyan lang malapit!"

Back to pa cute awra! 😊
Sorry Mylabs, loyal naman ako pero pagbigyan mo naman ako ngayon lang.

Nauna na akong lumakad sa kanya eh sa laki ng hakbang niya eh nakasabay na siya sa akin.

Jusmeyoo! Is this for real?

Wilbert: "Sorry huh! 😊 Parang nakita na kita.. Hmmmm...?"

Andrea: "Opo! Sa Edens Gate.."

Wilbert: "Ah oo nga pala! Diba kasamahan mo yung buddy ni CK?"

Andrea: "Buddy ni CK? Si Yuri?"

Wilbert: "Yuri ba yun? Haha! Siya yata yung assistant ni Ryle ngayon."

Andrea: "Ah si Yuri nga!"

Kilala na niya si Yuri. Yuri babe how to be you??

Bigla may tumawag sa kanya on the phone.

Wilbert: "Hey?.... Yah! I'm on my way. Di na ako nagsasakyan..... Oo naglalakad!.... Oo na! Wag ka ng magalit, di na po mauulit...... Sige! Salamat! Miss you! Bye!" 😊

Pa sweet pa yung boses, halatang babae yung kausap. Sarap itanong kung sino yun. Haha baliw ka Andrea!

Liliko na pala ako at ewan ko sa kanya parang pa diretso yata siya papunta don sa may mga Condominiums.

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now