CHAPTER 28: #GirlWithTheAshGrayHair

25 0 0
                                    

YURI's POV

Hindi ako makatulog ng maayos, di pa yata nakaka get over yung jetlag ko. Ang sakit pa ng katawan ko pero kelangan ko bumangon para umpisahan ang panibagong araw sa Maynila.

Oo, nasa Maynila ako. Gulong-gulo pa yung isip ko pero at the end of day ay gabi este nakapag decide na rin ako na tanggapin yung alok sa akin. Minsan lang din kasi bumait ang kapalaran, baka bawiin pa niya ulit. Madamot pa naman siya, LAGE!

Tinawagan ko na si Kristin dahil alam ko by now nasa Korea na siya. Deserve naman niya yung opportunity na 'to kasi magaling siya. Malay mo baka daan na 'to sa magandang buhay, at don na rin siya makatagpo ng taong makakaintidi sa ugali niya at magmamahal sa kanya ng buo.

[ A/N: Char Kristin ha! Ayoko ko kaya. Para patas tayo, walang magkakalove life! Insert HAHAHA :D ]

Hanggang sa binuksan niya yung live chat. Nag-aayos pa siya ng gamit niya sa room niya.

Yuri: "Kamusta unang araw sa Korea sis?"

[ Tin: "Definitely hassle. Hahah! Joke. Ang ganda dito sis I swear. Pag nakapasyal ako baka gugustuhin mo ng sumunod dito.."]

Yuri: "Haha wala naman akong plano pumunta ng ibang bansa. Ayos na sa akin dito."

[Tin: "You're so nega talaga sis. I hate you hahaha.. Libre na nga lang mangarap ipagdadamot mo pa sa sarili mo. Tss.. "]

Yuri: "Galingan mo diyan ha."

[Tin: "Of course madam... I have the feeling na dito na rin ako magkakalove life sis."]

Yuri: "Haha yun lang, sabi ni Author hindi ka daw magkakalovelife!"]

[Tin: "Pwes sabihin mo sa nagsusulat ng story na 'to, na pag di pag di niya inayos yung lovelife ko.. aagawin ko sa kanya yong boyfriend niyang Koreano... sige siya pogi at hot pa naman yon."]

{ A/N: Subukan mo lang Kristin. Dahil magkakaalaman talaga tayo. Waf ako! Hmp! Insert Death glare!}

Sorry Author pero sa pagkakaalam ko wala kang boyfriend. Haha!

Yuri: "Hahaha basta ingat ka dyan ha. Tawagan mo ko always."

[Tin: "I know, I know! Ingat ka din dyan sis ha. Tawagan mo ko pag may nang-away sayo dyan, dahil I swear di na yan sisikatan ng araw pagdating ko. Hahaha! Alam no na gagawin diyan right? And I don't need to remind you din kasi alam ko di ka pababayaan ni CHARLES mo.."]

Yuri: "Hindi ko pa sinasabi sa kanya na andito ako. Malalaman din niya rin eventually."

[ Tin: "Sige na sis, I have to take shower first. Enjoy your day. Wag magiging nega okay? Dahil papatayin ko talaga kung sino mang masamang espiritung sasanib sayo.. Byee..."]

Parang namiss ko din agad siya. Ngayon lang kasi mangyayari na magkakawalay kami ni Kristin at medyo matagal pa bago siya makauwi ulit. Hays! Mamimiss ko talaga yung bunganga niya and her endless rants. Haha! Sana maging okay lang siya don. Lord, sana wag mo siyang papabayaan don at ako din dito..

Inayos ko na yung sarili ko, ligo, bihis ng uniform na akala mo talaga 5 star hotel ang pagtratrabahuan at lagay ng kunting make-up sabay ayos ng hair. Siguro kahit sino makakakita sa kin manghihinayang sa buhok ko. Di ko pa kasi nakwento na nagpagupit na ako ng buhok, nasa shoulder level lang naman siya and colored it into ash grey hahaha taray diba? Mukha na akong Kpop idol nito, si Kristin ganun din nagpakulay ng buhok pero ewan ano ba tawag don ombre basta may blue sa baba.

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now