CHAPTER 33: #FortuneTeller

16 0 0
                                    

YURI's POV

Bilis lang ng panahon, malapit na akong matapos sa project ko kina Ryle. Wala naman masyadong nangyari kasi hindi na ako pumunta sa bahay nila. May iba na rin kasi akong projects na hinahandle.

Hays nakakainis ka self, habang tumatagal day by day mas lalo mong namimiss yung presence ni Ryle. Baliw ka ba?

Paalis na ako kasi may hinahabol pa akong schedule ngayon. Wanna know what? Ngayon nag officially mag-oopen yung cafe ni Charles. I'm so proud of my bestfriend kasi may sarili na siyang business.

Bago pa ako makaalis napansin kong may nagkukumpulan sa kabilang table. Tinawag naman nila ako.

Yuri: "Anong meron?"

Shayne: "Ito kasing si Laurra, fortune teller ang peg. Usap-usapan na kasi sa buong building yung panghuhula niya, kesyo daw may nakikita siya pag nahahawakan niya palad mo ganern, tapos nagkakatotoo daw yon."

Yuri: "Hindi naman ako naniniwala sa ganyan."

Shayne: "Try mo kaya. Yung isang kasama namin dito sinabi niya mabubuntis daw yon at iiwan ng boyfriend after a year ayon ganun nga nangyari. Akala nga non nababaliw lang si Laurra."

Yuri: "Sa susunod nalang, may lakad pa kasi ako hahaha."

Lumabas na ako ng building nang makalimutan ko yung cellphone ko sa table, kaya pumasok ako ulit.

Hinanap ko yung cellphone tapos biglang lumapit si Laurra sakin, mas matanda siya sakin ng limang taon ayaw naman niya tawagin siyang ate.

Laurra: "Yuri? Halika hulaan natin future mo."

Yuri: "Nakakahiya naman."

Laurra: "Matagal na kita gustong hulaan kasi napaginipan kita nong bago ka palang."

Umoo nalang ako kay Laurra para matigil na 'to. Kinakabahan ako sa mga ganito kaya ayokong maniwala.

Hinawakan niya yung palad ko at ngumiti siya. OMG ano kaya nakita niya. Feeling ko maganda.

Laurra: "Ang swerte mo sa lovelife Yuri, may dalawang taong nagmamahal sayo ng buo. Isa sa kanila ang makakatuluyan mo. Ngunit.... kelangan mo mag-ingat sa pagpili, yung hindi mo pagisisihan.... At magiging masaya kayo sa hinaharap at magkakaroon kayo ng isang anak na babae."

Yuri: "Talaga ba Laurra? Excited ata ako dyan. hahaha."

Biglang nag-iba yung mood niya at tumalikod siya.

Yuri: "Hoy ano nanyari? May nakita ka pa ba? May masama bang mangyayari sa future?"

Laurra: "Ewan ko Yuri pero may biglang nagbago. Ang saya na inyong mararamdaman mapapalitan ng lungkot at pangungulila habang buhay.."

Yuri: "Nakakatakot na yan Laurra ha, di ako natutuwa dyan, tinatakot mo lang yata ako, parang feeling ko may mawawala."

Hinawakan niya yung kamay ko at ngumiti.

Laurra: "Hula lang yon Yuri. Maaari pa ring magbago ang panahon. Desisyon mo parin sa huli. Tayo lang naman ang gumagawa ng sarili nating kinabukasan. Kaya kung nais mong maging maganda ang buhay mo sa kinabukasan, gumawa ka ng mga bagay na ikakasaya mo ngayon hanggang sa dulo upang wala kang pagsisisihan. Payo ko lang sa iyo Yuri, mag-ingat ka lage. Desisyon mo ang maaring makapagbabago sa lahat."

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now