CHAPTER 32: #AreWeDestined?

16 0 0
                                    

RYLE's POV


Nasa set na ako ngayon na prescon, ilang minutes nalang mags-start na 'to.

Iniwan ko si Yuri sa hospital kahapon kasi dumating naman si CK kinaumagahan, siya nalang daw bahala kay Yuri. I'm still worried about her kasi baka hindi pa siya makakalakad for weeks, knowing kasalanan ko kung bakit.

I'm sure maaalagaan naman siya ni CK. Pero paano nalang kaya kung wala si CK, siya lang pa naman mag-isa sa bahay niya. How will she take care of herself when CK is not around?

Ang weird din ng panaginip ko nung nasa hospital ako, parang narinig ko yung boses ni Yuri na nagsasabing "I miss you even more.' Isn't it a kind of weird? Kaya lang paggising ko tulog parin siya.

Pati ba naman sa panaginip.

Sandy: "Hi Ryle."

Ryle: "Sandy."

Sandy: "How's Yuri nga pala? Is she okay right now?"

Ryle: "Okay naman siya. Makakalabas na siya sa hospital."

Sandy: "Great! Sana okay lang siya, kasi I swear it's painful kaya."

Ryle: "Yun ba? Haha okay lang yon, don't worry too much about her. Siya pa, palaban kaya yon. Hindi yon iyakin, nakangiti lang yon lage."

Sandy: "Hmm.. I guess you're right! Alam ko talagang cheerful siya na babae eh, nahihiya lang siguro siya satin."

Ryle: "Yun ba mahihiya? Wala yata yon sa vocalbulary niya. Haha!"

Sandy: "Basta feel ko siyang maging kaibigan.."

Ryle: "She's really friendly in her own way. Hindi yon plastic na kaibigan. She'll support you whenever you're doing something. She'll nag whenever you've done wrong. And napakamadaldal non yung tipong hindi ka mabobored when you're with her. Nakakasundo nya lahat ng tao sa paligid niya."

Sandy: "Hahaha.. I guess you knew her very well before."

Ryle: "Not so, naging PA ko lang siya for few months."

Sandy: "You liked her?"

Hindi ako agad nakagpasalita agad sa tanong ni Sandy. But Yes, I like her.

Sandy: "Hahahaha... tingnan mo nga yong mukha mo.. Nagjojoke lang ako. Ikaw naman. hahaha!"

Magsisimula na yong presscon, medyo kinakabahan pero okay lang.







YURI's POV

Nasa bahay na ako nagpapahinga, hindi ako makakalad for week para sa theraphy. Hindi naman daw malala sabi nong doctor. Pinuntahan ako ni CK sa hospital, medyo natagalan lang siya kasi may emergency lang sa family niya. Ilang beses na nga rin siya nagsorry dahil hindi sana mangyayari 'to kung dumating agad siya.

CK: "Okay ka lang ba?"

Yuri: "Pang-ilang beses na tanong yan?"

CK: "Oo na. Ayan nasa tabi mo na yung mga kakailanganin mo. Fruits, food pack, cold and warm water, essentials at iba pa. Hinanda ko na yan for today, hindi kasi ako pwede mag absent ngayon alam mo na. Babalik lang din ako agad."

Yuri: "Okay lang Kie, salamat talaga."

CK: "At tsaka tumawag na din ako sa office niyo to inform them what happened."

Napakaswerte ko din sa bestfriend ko, na hindi talaga ako iniwan. Pero umalis talaga siya kaya naiwan na naman akong mag-isa.

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now