CHAPTER 9: #BeConservative

352 11 0
                                    

YURI's POV

Nagising ako kanina mga around 9 pm, ang haba ng tulog ko. Pero hindi ako nagulat na nasa bed na ako nakahiga, wanna know why? Haha pssssh secret lang natin to ha, nagising ako nong binuhat niya ako from sasakyan to here. Whaaaaaa! 😍 as if sobrang himbing ng tulog ko pero ang totoo nagpabuhat lang talaga ako.

By the way kumain na nga rin pala ako. May nakita akong foods sa ibabaw ng table na may nakalagay na for Yuri. Oh edi para sa akin. 😉

This time I'll check my watch na kung anong oras na, nababagot na ako dito sa room eh. And it's already 10:45 pm.

Lumabas ako to check kung anong meron kasi for sure hindi pa mga yon natutulog. Ang ingay! Kaya pala ala party ang mga peg nila. Ang saya nila. 😂 And.....

Sheyt! 😍

Mga naka topless lang karamihan sa kanila.

Yummy! 😋

Eww! Yuri ang landi mo !

Nakita ko si McCoy sa may sun bed nakaupo at nanonood lang sa kanila. Kaya pinuntahan ko siya at umupo sa tabi niya.

Yuri: "Oy! Di ka yata naka topless! Hehe!"

McCoy: "Bakit gusto mo ba? Maghuhubad na ako--"

Akmang mag huhubad na siya.

Yuri: "Hoy hoy hoy!" 😦

Bigla niyang pinakita yung mapang-asar niyang ngiti.

McCoy: "😁 Ayoko! Lalo na pag may mga babaeng nakatingin!"

Yuri: "Huh? Ba't naman?"

McCoy: "Wala lang!"

Yuri: "Conservative ang lolo niyo!"

McCoy: "Ikaw? Ba't di mo kasama si Ryle?"

Yuri: "Bakit? Kelangan ba lagi akong nakadikit sa kanya?"

McCoy: "Hahaha! Magkwento ka nalang!"

Yuri: "Ano naman ikwekwento ko?"

McCoy: "Kahit ano!" 😊

Napasarap yata kwentuhan namin ni McCoy. Alam niyo naman ako pag gusto ko yung kausap ko, di ko namamalayan na nagiging madaldal na pala ako. 😂

McCoy: "Sarap mo talagang kausap noh, hahaha yung hindi ka shino-showbiz o plinaplastic!"

Yuri: "Kaw naman haha! Totoo kasi akong tao Mc! Kung gusto ko yung tao o ayaw ko sa kanya sinasabi ko talaga. Pero marunong din naman akong mag adjust ng ugali!"

McCoy: "Yan ang maganda sa isang tao!" 😊

Yuri: "Pero minsan din kasi may mga pagkakataon na kelangan mong magkunwari!"

McCoy: "Pag nasa industriya ka... Oo, kelangan talaga!"

Yuri: "Hahaha.. Sabagay!"

McCoy: "Maiba ako, May boyfriend ka na ba Yu?"

Parang curious niyang tanong.

Yuri: "Huh? Ang gara naman ng tanong mo. Bakit?"

McCoy: "Wala lang. Bawal na pala yun itanong!?" 😊

Yuri: "Hindi naman hahaha! Wala akong boyfriend!"

McCoy: "Bakit?"

Yuri: "Wala akong panahon para sa iba, busy kasi ako kakahintay sa kanya!"

McCoy: "Yan tayo eh, minsan di mo na napapansin ang mga nagkakagusto sa iyo dahil busy ka kakahintay sa taong imposibleng maging sayo!"

Yuri: "Imposible man siyang maging akin, pero hangga't hindi ako nauubusan ng effort patuloy ko parin siyang hihintayin. Kung sakaling mapagod na din, alam ko naman ang salitang.. TAMA NA rin! HAHAHA Ang seryuso mo naman !" 😊

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora