CHAPTER 29: #GameOfFate

18 0 0
                                    

RYLE's POV

Malapit na kami ni Ate Mira sa kanila, hinatid ko muna siya bago ako dumiretso pauwi, madadaanan ko lang naman yung bahay niya everytime. She still fixing my things in the bag, I feel like she's looking for something.

Ryle: "May problema ba ate Mira?"

Ate: "Wala, hinahanap ko lang yung cellphone mo, kung san ko ba yun naligpit."

Ryle: "Maybe try to look at your back pocket."

Kinapa niya yung likod niya at nakita niya sa wakas yung cellphone. Binuksan naman niya agad pero nagulat siya.

Ryle: "Bakit?"

Ate: "Arrgh! Eh kasi Pao parang hindi mo yata cellphone mo ang napulot ko kanina."

Ryle: "Huh?"

Ate: "Baka sa kanya 'tong cellphone, yung babae kanina. Tapos arrrrgh nagkapalit yata kami."


I grabbed the cellphone and took a look on it. Pikachu yung lockscreen picture ng cellphone, kasing laki lang nga nong sakin. Hindi din siya mabuksan dahil nakalock yung phone.

Ryle: "Isuli nalang natin to bukas."

Ate Mira: "Wag na kasi may photoshoot ka pa bukas, ako nalang babalik don para kunin yon."

Ryle: "Oo nga pala."

Kay Girl with ash-gray hair pala ang cellphone na 'to. Well, her lockscreen poster is so cute. I handed the phone back to Ate Mira, nagshut down rin kasi yung phone, si Ate nalang magsasauli nito bukas at kukuha nong cellphone ko.


YURI's POV

Oo nga pala, etetext ko nga pala si Charles. Nakalimutan ko tuloy. Kinuha ko yung cellphone sa bag, pero parang nag-iba yata kulay ng case parang naging gray or mata ko lang ba 'to, black kasi binili kong case dati. Binuksan ko yung phone and laking gulat ko na picture ni Ryle yung wallpaper.

"Hoy kelan ka pa natutong magpalit ng sarili mong Lockscreen picture ha?"

Trinatry ko iinput yung passwork ko pero ayaw mabuksan. Tss... Hindi yata sa akin 'to, kay manang yata tong phone. Fan ba siya ni Ryle? Hmm.. Okay napaisip din ako don.

Bigla naman tumunog yung cellphone na para bang may tumatawag, kaya sinagot ko din agad.

Hindi nga ako nagkamali, sa kanya nga 'to, yung babae kanina. Sabi niya kikitain nalang niya ako bukas sa mini-stop para isuli din yung phone ko na nasa kanya. Mali lang daw yung napulot niya.


The next morning.....

Maaga akong umalis kasi sabi nga niya maaga daw siya dadating. Tsaka may pasok pa ako after, kaya hindi ako pwedeng ma late.

20 minutes na ako nag-aantay dito ha, 15 minutes nalang malalate na talaga ako. Kelangan ko pa talaga tumakbo para umabot sa oras.

At sa wakas dumating din siya.

Babae: "Hi Miss. Pasensya na natraffic lang, heto nga pala yung phone mo. Pasensya ka na talaga naabala pa kita."

Yuri: "Ay hindi po okay lang yon. Salamat na lang po sa pagsuli ng phone ko. Heto po yung sayo."

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now