CHAPTER 15: #Plan101

223 8 3
                                    

YURI's POV

Simula na naman ng bagong month. Monday morning parang tinatamad akong pumasok. Alam niyo kung bakit? Isang buwan nalang at kailangan ko na magdesisyon kung itutuloy ko yung work ko with the person I love or I need to continue my studies. Eh kasi, pag pipiliin ko yung work over my studies alam niyo na ano mangyayari. If itutuloy ko naman yung studies ko, maiiwan ko yung trabaho ko na masaya ako at hindi ko na alam if may babalikan pa ako. Hays!

Pero alam ko naman ang dapat gawin. Mananatili parin akong fangirl because fangirling is life but Education is the best choice.

Kristin: "Yuri? Matagal ka pa diyan sa banyo?"

Yuri: "Tapos na po maligo!"

Sobrang aga pa naman kasi eh 9 am pa pasok ko. 6 am pa lang kaya. Isa pa sa di matanggal sa isip ko, ba't ang lamig lamig ni Charles sa akin ilang araw na kaya siyang hindi namamansin, nagtetext or tawag man lang, ni HI nga wala. Ano ba problema niya sa akin huh?

Kristin: "Nagsasalita ka na naman dyan mag-isa!!"

Nagbihis na ako agad.

Paglabas ko narinig ko si Kristin na may kausap na naman sa phone. Ang aga aga may katawagan agad? Nakatalikod siya kaya di siguro niya pansin na lumabas na ako ng banyo.

Kristin: "...... Ano ka ba magtiwala ka sa akin! Gagana yan!.... Wag kang mag-alala keri yan ikaw pa ba?.......... Oo napapansin ko na! Nagwowork siya! Hahaha!..."

Yuri: "Uy sis! Tapos na ako!"

Kristin: "Aayy! Hoo! Okay sis!......... Sige na sige na! Bye na!"

Yuri: "Sino yun?"

Kristin: "Ah? Ano? Ah si Jaja, Oo si Jaja, nagtatanong lang! Sige maliligo na ako!"

*bogsh*

Kung makasarado naman ng pintuan to oh.

After a moment.......

Tapos na ako mag-ayos. Medyo nagmake-up ako ngayon. On-flick lahat! Chos!

Kristin: "Anong nakain mo't naka make up ka ngayon? Tsaka, May labanan ba ng OOTD mamaya? Nakuha mo pang mag backless at mag mini-skirt ha!"

Yuri: "Wala lang! Para maiba! Hahaha!"

Kristin: "GirlTrends lang ang peg teh? Magpro-prod ganun."

Yuri: "Maganda ba?"

Kristin: "Mmm? Actually, bagay sa iyo! Ganda teh!"

Umalis na kami ni Kristin, sumabay na ako sa kanya.

Yuri: "Lam mo sis, may sasabihin ako sa iyo."

Kristin: "Ano na man?"

Yuri: "I don't know what happened, don't know kung ano nagawa ko sa kanya pero nakakainis lang, di niya ako pinapansin. I don't know why he is so cold lately."

Kristin: "The who ba?"

Yuri: "Si Charles! Kakainis lam mo yun! Hirap intindihin ng ugali niya!"

Kristin: "Na mimiss mo noh?"

Yuri: "hmmmm... OO na! Na mimiss ko siya! Sobrang miss na miss ko kaya siya tas akala ko okay na tas heto na naman siya!"

Kristin: "Mahal mo ba?"

HUH? 😮 ? ? ? ? ? ? ? ?

Yuri: "Sis? Parang late ka na so go na go and dito na ako, byeeee!"

Ako nalang mag-isa naglalakad papuntang network station.

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now