CHAPTER 35: #YourFanAlwaysAndForever

21 0 0
                                    

YURI's POV


Mamaya na yung concert ni Ryle, siguro busy na siya ngayon. Dati pinapangarap ko lang na magkaroon ng ticket sa concert ng hashtag, iyak pa nga ako non kasi kahit anong gawin ko hindi talaga makapunta sa concert nila at hindi ko makikita si Ryle. But now, may VIP Ticket ako sa concert niya mismo, pero heto ulit gumagawa na naman ng paaran ang tadhana para di ako makapunta.

Sandy Calling......

Yuri: "Hello?"

[San: Hi Yuri, nareceive mo ba yung gift ko sayo? Hahaha you should come here.]

Yuri: "Sorry Sandy kasi--"

[San: "I don't want to hear your sorry. Just thank me later. So, get up, come here and wear the dress I bought you. This is an order.]

Yuri: "Nasa probinsya kasi ako--"

[San: "No need to worry, I booked your flight this afternoon. You better come or else I going tell the world to hate you.. Bye!]

She hunged up. Bina-Blackmail ba ako ni Sandy? Pumasok naman si Mama at narinig niya yata yung usapan namin ni Sandy.

Mama: "Anong ka OAhan na naman yang drama mo Lhaurice? Sabihin mo na. Narinig ko kayo."

Yuri: "Ma.."

Bigla akong yinakap ni Mama ng mahigpit. Kahit ganito si Mama lage ko siyang maasahan sa problema.

Mama: "Anak.. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa pagpapalaki sayo, hindi ka naman ganyan dati ha. Pasaway ka at lumalaban. Kung ano gusto mo nasusunod.  Anong nangyari sayo ngayon anak?"

Yuri: "Mama naman eh."

Mama: "Anak.. Gusto ko maging masaya ka. Wag mo na kaming masyadong alalahanin. ha? Andito lang kami lage ng family mo na susuporta sayo. Kaya.. gusto ko piliin mo kung saan ka sasaya ngayon, dahil hindi natin alam ang mangyayari bukas. Sige na. Mahal na mahal kita anak."

Yuri: "Love you too ma.."

Bumyahe na ako papuntang Maynila. Siguro naman makakabot pa ako sa concert.

Dumaan muna ako sa apartment para magbihis. Sinuot ko yung dress na bigay sa akin ni Sandy, ito kasi sabi niya isuot ko.

Nakakainis 4:30 pm na ako nakarating dito dahil sa traffic tapos hindi pa ako nakakapagmake-up 5:20 na. 7Pm yung concert eh.

Nagtaxi na ako papuntang theather, unang taxi na nasakayan ko nasiraan, kamalas-malas naman oh, 5:45 na.

Yuri: "Manong matagal pa ba yan?"

After 10 minutes, hindi na ako nakaantay pumara na ako ng ibang taxi at binayaran nalang si Manong.

Letcheng traffic to oh, kanina ka pa talaga, 6:20 na.

Yuri: "Kuya wala bang ibang route dito papunta don?"

Manong: "Try po natin sa kabila."

Umexit kami ni Manong driver don at doon kami dumaan sa kabilang kalye. And this is so damn malas, may banggaan daw na naganap 5 minutes earlier, kaya mahihirapan kaming dumaan dahil sa isang lane ang pwedeng daanan. 6:45 na. I still have 15 minutes.

Hoy tadhana, sign mo na ba 'to na ayaw mo kaming magkatuluyan ni Ryle? Damot mo naman!

Manong: "Maam kung dito tayo dadaan aabutin po tayo ng 30 mins bago makalabas, kung babalik naman po tayo siguro 1 hr po dahil sa traffic ngayon."

Naglakad nalang ako, ginamit ko nalang yung direction app sa phone ko. Ugh!

After mahigit 1 hour na paglalakad, pumara ako ulit ng taxi, di na kasi kaya ng paa ko.

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now