CHAPTER 34: #3Words8Letters

16 1 0
                                    

RYLE's POV

Naging busy ako lately dahil sa gaganapin na year-end concert this Christmas. Ito yung first concert ko since nagkaroon ako ng sarili kong album. Hindi naman siya ganun kalaking concert.

FIRST LOVE
THE RYLE CONCERT
LIVE AT KIA THEATER, ON DECEMBER 15. 7:00PM

December 11 na ngayong araw na 'to. December 15 din ng una kaming lumabas na TV ni Sandy bilang isang loveteam. Pero sabi niya magiging busy daw ako non sa concert, so ngayon may surprise daw siya sakin.

Papunta na ako don sa lugar na sinasabi niya. Paano niya nalaman ang lugat na 'to? Paano niya nalaman gusto ko yung place na 'to ever since kahit di ko siya nakasama dito. Ngayon lang din kasi ako ulit nakabalik dito, after that incident. I brought my guitar with me.

Bakit niya pa naisip na pumunta dito. Ito talagang si Sandy.

Ganun parin dito after 1 year, actually malapit na magdadalawang taon. Wala yatang tao ngayon dito? Nakakatawa, binayaran niya ba ang buong lugar na 'to para isurprise ako?

Ilang minutes ang lumipas nagsiilawan na yung mga lights display. Bakit wala pa si Sandy? Asan na ba yon?

I tried to call her pero she can't be reach.

Cm'on Sandy, pick it up. Malamig na dito sa taas.

Naglalakad-lakad muna ako around the place when I saw Yuri at the pavement.

Ryle: "Yuri?"

Yuri: "Ryle!"

Ryle: "Why are you here?"

Yuri: "Ah.. Kasi.. Wag kang magagalit ha. Kasi.. ang totoo niyan tinulungan ko lang si Ms. Sandy dito. Ako yung may idea sa lugar na 'to. Sorry talaga. Nabisto mo yata ako."

Ryle: "Hindi na ako nagtataka Yuri. Ikaw lang naman may alam na gusto ko ang lugar na 'to, kasi ikaw lang naman ang babaeng sinama ko dito."


Tumunog yung cellphone ko at binasa ko yung text from Sandy na hindi na raw siya makakarating dahil may urgent meeting siya with her manager.

Yuri: "Sige sorry ulit, alis na ako."

Ryle: "Dito ka muna."

Yuri: "Huh?"

Ryle: "Huh-tdog!"

Sinamahan niya muna ako, parehong ngayon lang ulit kami nakadalaw sa lugar na 'to. I never thought that this day will ever come again. But I'm not dreaming, she's with me right now.

Yuri: "Ang ganda parin dito noh?"

Ryle: "Kasing ganda parin nong una tayong pumunta dito."

An awkward silence again.

Umupo kami don sa dating inuupuan ko.

Ryle: "Yuri? Pasensya ka na pala don sa nangyari dati. I'm sorry if iniwan kita dito."

Yuri: "Yun ba? Haha. Matagal na yon boss. Sorry hehe naamiss ko lang yata tawagin kang ganun."

Ryle: "Oo matagal na nga."

Yuri: "Sa totoo lang kasalanan ko naman talaga lahat non, kasi hindi ako agad nagsabi sayo ng totoo. Hindi ako nakapagpaalam sayo ng maayos. Tama ka naman sa lahat ng sinabi mo non sakin. Alam ko wala akong kwentang PA sa mga oras na yon. Pero heto ako ngayon, what was done is done. Maganda na yung trabaho ko at masaya na rin ako sa ginagawa ko."

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now